Derek Ramsay in talks to do a movie with Star Cinema’s Skylight Films

Derek Ramsay welcomes the idea of doing another movie project with Star Cinema and sees it as the first step to his possible return to ABS-CBN.


Kinumpirma ni Derek Ramsay na nakikipag-usap siya para sa posibilidad na gumawa ng pelikula para sa Skylight Films, subsidiary ng Star Cinema, ang film outfit ng ABS-CBN.

“There’s an offer na medyo natuwa nga ako dahil they offered a movie na baka gawin ko for Star Cinema under Skylight,” lahad ng aktor sa press conference ng kanyang pelikula with Jennylyn Mercado, ang English Only, Please, Martes ng tanghali, December 2.

Ang English Only, Please ay official entry sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Dugtong pa ng TV5 actor-host tungkol sa offer, “Bukas [December 3] nga, may meeting ako with Direk Toto Natividad for that.

“Nalaman ko lang ito two days ago.”

Nauna nang itinanggi ni Derek sa presscon ng The Amazing Race Philippines Season 2 noong Lunes, December 1, na babalik siya sa ABS-CBN.

Ito ay sa kabila ng mga maugong na balita kamakailan na posible siyang bumalik sa kanyang dating home network pagkatapos ng kontrata niya sa TV5.

Read: Derek Ramsay clarifies rumor that he’s going to return to ABS-CBN

Noong 2012 ay nilisan ni Derek ang Kapamilya Network at pumirma ng kontrata sa TV5.

Naging malamig ang pakikitungo ng ABS-CBN kay Derek nang hindi na siya muling pumirma ng kontrata sa Kapamilya network at lumipat sa kalabang istasyon.

Inusisa rin si Derek, kung sakaling matuloy ang paggawa niya ng pelikula under Skylight Films, nangangahulugan ba itong tatapak siyang muli sa bakuran ng dati niyang mother network? Bukas ba siya sa posibilidad na ito?

Tugon niya, “I’ve always been open naman, e, wala naman akong galit towards them.”

Sabi ni Derek, iniisip na lang niya na ang mga naging desiyon ng ABS-CBN dati pagdating sa kanya ay "business decisions."

Kagaya na lang ng iniulat noong July 2013 na may “memo” raw na inilabas ang ABS-CBN na tanggalin ang kanyang mga eksena o bawal banggitin ang kanyang pangalan sa trailer ng pelikulang Trophy Wife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Derek Ramsay on settling his issue with ABS-CBN: "Obviously, you can see it, they’re not ready."

Saad niya, “Ayokong isipin na out of... ’di ba, ayokong gamitin yung word hate and anger.

“So, ’yon, it’s a blessing na we can move forward and have everything to be all water under the bridge.

“For me, I’m just waiting for everything to be ironed out at matapos na ’yon, yung nangyari.”

OPEN TO GO BACK. Pagkatapos ng presscon proper, nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek at nilinaw ang ilang detalye tungkol sa Skylight Films offer.

Aniya, hindi pa maituturing na closed deal ang offer.

“No. It’s just… it’s nice that they actually sent in an offer that they’re interested to get me, so that’s pretty nice.”

Idinaan daw ang mensahe sa pamamagitan ng kanyang manager na si Joji Dingcong.

“So, all I know is, tomorrow [December 3], we have a meeting to discuss a project that’s going to be produced by Skylight.”

Ano ang masasabi niya tungkol sa nasabing movie offer?

“I have no problem. I’m very thankful for what ABS-CBN and Star Cinema has done for me.

“I wouldn’t be where I am without them."

Ani Derek, hindi siya marunong makalimot sa kanyang pinanggalingan.

“I started my career sa Eat Bulaga! that’s why you will see me always guesting there.

“I’ll never forget where I came from.”

Ipinauunawa rin daw niya sa kanyang kasalukuyang home network, ang TV5, na “that’s where I started, I can’t turn my back on.”

Sa posibilidad namang tanggapin niya ang offer, ani Derek, “Yeah, if I think that the project is good and [if] I like the project, of course.

"I’d love to work and do another movie with Star Cinema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangangahulugan bang ito ang unang hakbang sa posible niyang pagbabalik sa ABS-CBN?

Tugon ni Derek, “Most definitely.

"I mean, I think just a phone call asking about me is already a step in the right direction.

“But let’s see what happens. Baka hindi matuloy.

“Pero for me, just the phone call is good enough for me.”

PRESSURE. Samantala, idinagdag ni Derek na hindi siya nagpapadala sa pressure na malalaking pelikula ang makakasagupa ng English Only, Please sa MMFF.

“Ever since before, hindi ko pinapansin yung pressure.

“I know we’re going up against big names, good projects.

"Pero, for me, what’s more important is nakagawa kami ng magandang proyekto at nakapag-deliver.”

Ayon pa sa aktor, “Everybody put in their effort and gave something to the movie for it to become a movie that I’m very proud of.

“So, para sa akin, yung pressure kung magiging number one ba kami, number 2, number 3, number 4... I don’t think so.

"Pero I’m confident that the movie will do well, sobrang confident."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN