Valerie Weigmann finalist in Beauty With a Purpose competition of Miss World 2014

Valerie Weigmann, the Philippines’ bet to the Miss World 2014 pageant, is one of the finalists in the Beauty With a Purpose competition for her campaign to help Aetas in Tarlac.


Hindi man nakapasok si Valerie Weigmann sa Top 20 finalists ng Top Model competition ng Miss World 2014, nakapasok naman ang Philippine representative sa Top 10 ng Beauty With A Purpose competition ng nasabing pageant na ginaganap sa London, England.

Ang grand coronation night ng Miss World 2014 ay gaganapin sa December 14.

Kabilang ang Top Model at Beauty With A Purpose sa challenge events ng Miss World, kung saan maaaring makakuha ang mga kandidata ng additional points para sa kanilang final scores na magdedetermina kung sino ang makakapasok sa semifinalists.

Ilan pa sa challenge events ay ang Multimedia, Sports and Fitness, at Talent Competition.

Samantala, kabilang naman sa Top Model category ang World Designer Fashion at Beach Beauty events.

BEAUTY WITH A PURPOSE. Noong Lunes, December 1, inanunsiyo ang mga pasok sa Beauty With a Purpose challenge event.

Bukod sa Philippines, pasok din ang mga kandidata mula sa England, India, Brazil, Indonesia, Kenya, Guyana, Bolivia, South Africa, at Netherlands.

Sa Facebook page naman ng Miss World-Philippines, kung saan naglalagay ng updates si Valerie, ibinahagi niyang “blessing” ang mapabilang sa finalists ng Beauty with a Purpose category.

Isinusulong ni Valerie ang pagtulong sa mga katutubong Aetas sa Tarlac.

Post ni Valerie: “I woke up with a smile on my face. It’s surreal. Being declared as a Finalist for Miss World 2014’s Beauty with a Purpose is certainly a blessing.



"I am thankful, honored and even more determined to pursue my dream of a fair, equitable and sustainable life for indigenous peoples. I cannot save the world but I will do my part."



Layon ng Beauty With a Purpose na maglaan ng financial assistance sa mga nangangailangang bata sa buong mundo.

Taun-taon ay ibinabahagi ng mga kandidata sa Miss World ang kanilang charity projects, at ang mananalo ay pararangalan ng Beauty with a Purpose Award na magbibigay sa kanila ng additional points sa kanilang final score, at $10,000 (P450,000) para sa napiling charity institution ng kandidata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOP MODEL. Noong November 28, Sabado, ginanap naman ang Top Model challenge kung saan nagpasiklaban ang 120 candidates sa pagmomodelo, designers ng kanilang gowns, at beach outfits.

Paliwanag sa site sa World Designer Fashion Competiton,:“...the women are not being judged on their ability to model, but rather on the dress they are wearing. Their dresses are made from designers in their home countries and many brought a bit of home into their outfits.

Sa huli ang nanalo ay ang mga kandidata mula sa India (1st place), Dominican Republic (2nd place), at Scotland (3rd place).

Sumunod naman dito ang Top Model portion kung saan “the girls are being judged on their walk, their poise, their attitude, and their presence.”

Pasok sa listahan ng finalists ang Hungary, India, Mongolia, Haiti, Zimbabwe, Australia, Czech Republic, Bosnia &Herzegovinia, Dominican Republic, South Sudan, France, Namibia, Scotland, Russia, Puerto Rico, Turkey, Mexico, Croatia, South Africa, at China PR.

Naglaban-laban din ang mga kandidata para sa Beach Fashion.

Ihahayag ang winners sa Top Model at Beach Fashion events bago sumapit ang grand coronation ng Miss World 2014.

Ang kandidata ng Pilipinas noong nakaraang taon na si Megan Young ang nagwagi sa Top Model competition.

Si Megan din ang may hawak ng korona bilang Miss World 2013.



PEOPLE’S CHOICE AWARD. Samantala, sa kanyang Instagram account ay ikinampanya ni Paolo Ballesteros si Valerie at hinimok na iboto ang dating Eat Bulaga! co-host para sa People’s Choice Award

Magkakaroon ng pagkakataon ang winner sa nasabing kategorya na makapasok sa finalists ng Miss World, kung hindi man siya natawag sa announcement of finalists.

"The winner of the People’s Choice Award is announced during the latter stages of the Miss World Final, and the winner, if she is not already selected, will join the final few contestants on stage," ayon sa site ng Miss World.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinakailangan munang mai-download ang nasabing Miss World App sa Google Play Store para makaboto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN