Rommel Padilla gives update on audio-video recording controversy of son Daniel Padilla

Rommel Padilla on son Daniel: "Palagay ko, ang naging lamang niya sa ibang teenager, mabilis siyang nag-mature. At palagay ko, dun sa hirap na nadaanan namin once in our lives, tumatak sa kanya nang solid ‘yon. Gaya ngayon, nakakaangat na siya, inaalagaan niyang mabuti ‘yon. Hinuhulma niya talaga iyon na tumagal."


Nagbigay ng update ang aktor na si Rommel Padilla sa audio-video recording controversy na kinasangkutan ng anak na si Daniel Padilla noong buwan ng Setyembre.

Read: Daniel Padilla apologizes for leaked audio-video recording

Ayon kasi sa ina ni Daniel na si Karla Estrada, si Rommel at kanilang abugado ang nag-aasikaso nito.

“Oo, actually binibigyan kami ng advice dun sa NBI kasi.

“At bilang ama, hinihintay ko lang ang pagkakataon na makausap si Kelvin,” pagtukoy ni Rommel sa kaibigan ni Daniel na siya diumanong nagpakalat ng audio recording ng pag-uusap nila ng young actor.

Patuloy niya, “Kasi inaantay ko pa rin yung paghingi niya ng dispensa kay DJ [Daniel].

“Actually, meron nang pangyayaring ipinaabot [na dispensa], pero hindi lang nabibigyan pa ng panahon.”

Ito ay dahil ipinasasabi lang at hindi raw personal ang paghingi ng dispensa.

“Oo.”

Kaya tuloy pa rin ang pagpa-file nila ng reklamo laban sa kaibigan ni Daniel?

“Malamang tuloy pa rin,” sagot ni Rommel.

Pero kung personal itong humingi ng dispensa, hindi na sila maghahain ng reklamo?

“Hindi pa ng humihingi, e. Binibigyan ko pa siya ng pagkakataon.”

Ayon kay Rommel, nagkaayos na rin si Daniel at si Jasmine Curtis Smith, na siyang tinutukoy ng young actor sa usapan nila ng kaibigan na kumalat sa Internet.

Magkasama sina Daniel at Jasmine sa cast ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo, entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

“Oo, wala namang problema,” sabi ni Rommel.

Naapektuhan ba ang pakikitungo ni Daniel sa kanyang mga kaibigan dahil sa nangyari?

“Well, siyempre ngayon maingat na kami, hindi lang siya.

“Kasi naging aral na rin sa amin, e, sa pamilya na, may ganun pala.

“Kasi nung panahon namin, walang nakakaganun sa amin, e.

“Ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob itong mga ‘to, e.”



FATHER OF DANIEL. Mahirap bang maging ama ni Daniel, na isa sa pinakasikat na young actor sa bansa ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman. Kasi naging kapatid din ako ng naging pinakasikat na action star noong araw!” nakangiting sabi ni Rommel bilang pagtukoy sa kanyang kapatid na si Robin Padilla.

Pero mas may bigat yata ang pagiging ama kesa sa pagiging kapatid ng isang sobrang sikat na showbiz personality?

Pagsang-ayon niya, “Siyempre. E, nung panahon namin, walang ama na nagsasabi sa amin ng mga advise.

“Unlike now, nandito ako at nakikita ko.”

Kahit may ibang pamilya na sila pareho ni Karla, maganda raw ang samahan nila bilang magkaibigan. At magkatuwang pa rin sila sa pagiging mga magulang para kay Daniel.

Sabi ni Rommel, “Masaya naman ako sa kanya na okey rin ang lovelife niya ngayon.

“Kilala ko naman din ang boyfriend niya. At mabait na tao naman.”

Bilang ama, may fears ba siya para kay Daniel, gaya halimbawa na baka maaga itong makabuntis?

“Wala naman. Kasi alam mo si DJ, palagay ko, ang naging lamang niya sa ibang teenager, mabilis siyang nag-mature.

“At palagay ko, dun sa hirap na nadaanan namin once in our lives, tumatak sa kanya nang solid ‘yon.

“Gaya ngayon, nakakaangat na siya, inaalagaan niyang mabuti ‘yon.

“Hinuhulma niya talaga iyon na tumagal.”



LOVE ADVICE. Sa showbiz, nagkaroon silang mga Padilla brothers dati ng tatak na matinik sa chicks at habulin ng mga babae.

Hindi malayong ganito rin daw ang maging marka ni Daniel. Ano ang reaksiyon ni Rommel dito?

Nakatawang sagot niya, “Naku, alam mo naman na ang nananalaytay nga na dugo sa kanya ay Padilla!

“Siguro kasama na ‘yon dun sa ibinigay sa amin na blessings!

“Pero hindi ko siya ie-encourage na maging ganun, hindi.

“Of course, wala namang… yung magulang ko, hindi rin naman kami sinabihan na, ‘Sige, mambabae kayo!’

“At saka kami, hindi naman kami naging babaero—naging mapagmahal kami sa babae.”

Ano ang madalas niyang maipayo kay Daniel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, dire-diretso lang ang pagtanggap ng inspirasyon, ang pagbibigay ng pag-ibig.

“Hangga’t maaari, yung walang masasaktan. Dapat ganun.”

Boto naman daw si Rommel sa ka-loveteam at rumored girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

Tugon niya, “Oo naman… oo naman! Madalas kaming nagkikita ni Kathryn.

“Napakabait niyang bata. Marespeto siya. At saka mabait din ang kanyang pamilya.

“Kaya ganun din ang katayuan na inabot ni Kat, kasi mabait na bata, e.”

Sa tingin o obserbasyon niya, nasaang estado na ang relasyon nina Daniel at Kathryn?

“Siguro nakikita naman natin, ‘di ba?” sagot ni Rommel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN