Jennylyn Mercado prefers non-showbiz guy as her next BF; not closing her doors to showbiz guys

Jennylyn Mercado on possibility of reuniting with Dennis Trillo: “Ayoko munang pag-usapan kasi hindi pa rin naman ako handa. Wala namang… wala pa. Sa ngayon, talagang ini-enjoy ko ang pagiging single ko, pagdi-date. Wala namang masama.”


“Okey lang, hindi pa rin naman ako handa!”

Ito ang natatawang sagot ni Jennylyn Mercado nang hingan ng reaksiyon sa pahayag ni Derek Ramsay na may rule ito sa sarili na hindi muna siya magge-girlfriend na taga-showbiz. Kaya parang walang posibilidad na maging sila.

Magkatambal sina Jennylyn at Derek sa English Only, Please, entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Sa presscon ng pelikula kahapon, December 2, sa Max’s restaurant, sa Roces Avenue, Quezon City, sinabi ni Jennylyn na napag-usapan din naman daw nila ni Derek ang preference ng aktor ngayon pagdating sa makakarelasyon.

“Opo naman, napag-usapan namin ‘yan.”

Ano ang mga nadiskubre niya sa pagsasama nila ni Derek sa pelikula?

Bulalas ni Jennylyn, “Naku, marami!

“Katulad nga ng sabi ko, hindi ko in-expect na ganoon siya ka-open, kasayahin, very professional, sobrang bait.”

Kung nagkataong bukas si Derek na magkaroon ng showbiz girlfriend at pareho naman yata silang single, posible kayang mag-work ang relationship nila kung saka-sakali?

Ayon sa Kapuso actress, “Hindi ko pa alam, hindi ko pa alam… tingnan natin.

“Kapag dumating yung point na ‘yan, sasabihin ko sa inyo.”

NO-SHOWBIZ. Karamihan ng naging boyfriend ni Jennylynay mula rin sa showbiz. Katulad din ba siya ni Derek na isinasarado na muna ang posibilidad sa isang showbiz relationship?

Tugon niya, “Hindi naman, pero sana, as much as possible, non-showbiz.

“Pero ayoko rin magsalita ng tapos. Ayoko rin magsarado ng pinto. Tingnan natin.

“Doon din naman ako dadalhin ni God kung saan ang tama.”

Muli namang pinabulaanan ni Jennylyn na nakikipag-date siyang muli sa kanyang ex-boyfriend na si Dennis Trillo.

“Hindi naman ibig sabihin na nagkaroon kami ng duet, yun na yun.

“Ano naman, magkaibigan na kami bago pa kami magkaroon ng duet.

“Medyo matagal na rin naman kasi kami na nagkasama and, after nun, nagkaroon kami ng closure, naayos naman namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging magkaibigan naman kami. Nagkikita kami sa SAS [Sunday All Stars].

“Wala naman sigurong masama na maging magkaibigan kami.”

Hanggang kaibigan na lang talaga sila ni Dennis?

“Opo,” nakangiti niyang sabi.

Walang posibilidad na magkabalikan sila?

Ayon kay Jennylyn, “Well, sabi ko nga kanina, wala akong isinasaradong pinto.

“Hindi natin masasabi kung ano pa ang puwedeng mangyari sa future.”

Wala na talaga siyang nararamdaman para kay Dennis?

Saad ni Jennylyn, “Ayoko munang pag-usapan kasi hindi pa rin naman ako handa.

“Wala namang… wala pa.

“Sa ngayon, talagang ini-enjoy ko ang pagiging single ko, pagdi-date.

“Wala namang masama.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN