Elmo Magalona still happy with GMA; denies moving to ABS-CBN

Elmo Magalona shares another discovery about his girlfriend Janine Gutierrez: "Dati kasi, she’s parang very quiet lang... Makulit... makulit din pala siya."


Itinanggi ni Elmo Magalona na lilipat siya sa ABS-CBN kapag natapos na ang kontrata niya sa Kapuso network sa susunod na taon.

Marami kasi ang humuhula na may posibilidad na lumipat sa Kapamilya network si Elmo matapos mangibang-bakod ang kanyang nakatatandang kapatid na si Maxene Magalona mula GMA papuntang ABS-CBN.

Kaya binigyang-linaw ito ni Elmo sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, December 3, sa presscon ng pelikulang #Y, na ginanap sa 9501 restaurant sa ABS CBN compound.

Saad niya, "Actually, wala pa naman pong usapan na ganyan.

"I’m still super happy with what I’m doing with GMA.

"If offers come, let’s see, let’s see.

"I have one more year with them, so ’di ko pa naman pinag-iisipan kung ano ang susunod na step."

Nagbigay rin ng pahayag ang ina ni Elmo na si Pia Magalona tungkol dito nang makakuwentuhan namin siya sa elevator habang pababa kami ng ELJ Building.

Komento ni Pia, "His contract will end by August [next year].

"I don’t know kung ililipat ko siya sa ABS-CBN.

"But, I think, for him to go freelance, just like her ate, is fine."

Natutuwa naman daw si Elmo para sa kanyang ate sa magandang pangyayari rito matapos nitong gawin ang isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

May regular teleserye na kaagad kasi si Maxene, ang Dream Dad.

Sabi ni Elmo, "It’s a super blessing din para kay Ate kasi parang ang tagal niyang walang work, e.

"And sa ngayon, yung transition niyang bigla, nakakatuwa talaga.

"She has her show now, binigyan siya ng break, at super happy ako para sa kanya now.

"I can see from her naman na okay ang pakiramdam niya rito sa ABS."

NO OTHER PLANS. Wala rin daw silang naging usapan ni Maxene na subukan niyang lumipat sa Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 20-year old actor-rapper, "Hindi naman, wala…

"It’s all na parang, kung saang network ka man ngayon, you have to do your best.

"At saka, right now, hindi ko na siya mahingian ng advice kasi ’di na kami madalas magkita.

"Ako kasi, parang ang dami ko pang iniisip na gustong gawin.

"But, yeah, whatever I have now, I keep nurturing it.

"I keep growing and developing more as an actor talaga."

Dugtong pa niya, "Kaya, whatever projects I get, I try to learn new things from it.

"So far, I don’t have other plans yet.

"I just try to focus on pushing whatever I can, and on whatever I have."



INSPIRATION. Ang isa pa raw nakakadagdag sa kanyang inspirasyon ay ang girlfriend niyang si Janine Gutierrez.

Sabi ni Elmo, "Si Janine naman kasi, she pushes me to everything.

"Kahit naman sa paglabas ng #Y, magkasama kaming nanood and she’d been very encouraging.

"We both try to strive hard.

"And every time we do extra mile, it keeps me running, it keeps me going.

"Yun ang aking inspiration."

Habang tumatagal ang kanilang relasyon, ano ang bagong discoveries nila sa isa’t isa?

Natatawang tugon ng anak ng yumaong si Francis Magalona, "A, si Janine, makulit din!

"Before kasi, ’di ko ini-expect na parang... dati kasi, she’s parang very quiet lang.

"We would always be relaxed, but then ngayon, mas lalong nakikilala ko siya.

"Makulit... makulit din pala siya.

"As in pareho kaming nag-a-adjust sa isa’t isa, may pareho kaming sariling humor.

"Pero siyempre, mas gusto ko yung mas open na Janine, yung ngayon.

"I’m happy na she’s opening up."

DISTURBING. Tungkol naman sa role niya sa #Y na isang introvert, marami raw kabataan ang makaka-relate dito.

Saad niya, "Ibang-iba kasi ang Y [young] generation ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron pa rin na gusto ay nag-iisa lang sila, tahimik lang, ayaw makipagsabayan sa peers nila.

"It’s a bit disturbing pero parang yun na rin ang escape din niya sa mga ayaw niyang i-tackle sa buhay.

"Yes, hindi madalas, pero minsan I also feel that way.

"Na parang I want to escape and forget some other things.

"’Di naman siya tuluy-tuloy, once in a while lang."

Ang #Y ay nanalo ng Best Ensemble sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival. Ire-release na ito sa commercial theaters ng Star Cinema simula ngayong December 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN