John Lloyd Cruz clarifies issue over Bridges casting; willing to do a movie with Sandara Park

“It’s long overdue na, matatapos na rin ’to. Maaayos na, hopefully,” says John Lloyd Cruz when asked about the renewal of his network contract with ABS-CBN.


Dismayado si John Lloyd Cruz sa mga lumabas na balita tungkol sa hindi niya pagkakasama sa cast ng upcoming ABS-CBN teleserye na Bridges.

Lumabas kasi ang balita na tumanggi si John Lloyd na maging bahagi ng teleseryeng pagbibidahan nina Jericho Rosales at Maja Salvador.

“Parang medyo unfair sa akin how it was all played kasi parang lumabas na iniwan ko ang show,” bungad ni John Lloyd nang tanungin siya tungkol dito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa one-on-one interview para sa iniendorso niyang Greenwich Pizza kahapon, December 3.

Dagdag na paliwanag niya, “Sinabi ko nga noong nakaraan, unang-una, isa lang ako sa mga na-consider na maging part [ng cast].

“Hindi pa naman final ’yon. Kapag mayroon na yung casting, parang yun pa lang ang casting, hindi naman parang tinanggihan na ’yon or mayroon na akong [offer]."

Nabanggit din ni John Lloyd na hindi pa rin talaga sigurado ang pagkakasama niya sa teleserye dahil sa hindi pa siya nakakapirma ng panibagong network contract.

“Sabi ko nga sa kanila, yung mga ganitong bagay, after nila mai-pitch sa ’yo o after ng storycon, ayaw kong mag-proceed another step kasi alam ko nga na mag-e-expire [ang contract].

“Paano ko aayusin ang kontrata ko if I have a show na magra-run for six months?”

Dahil dito, hindi raw masasabi na tinanggihan niya ang Bridges.

Paliwanag ni John Lloyd, “Parang ang nangyari, since inaayos nga ang kontrata ko, sabi ko sa management, baka po gusto ninyong mag-consider ng iba for the part kasi ayaw ko naman silang paghintayin.

“Kasi, parang inaantay nila ako, ayaw ko namang ’yon

“At saka added pressure din ’yon, kasi yung decision mo, napakaimportante and ayaw mo siyang maging clouded because may pending na show na hinihintay ka.”

Dagdag niya, “Unang-una, hindi pa ako entirely committed doon para iwan.

“Unang-una, hindi ko pa ’yon tinanggap para sabihin na tinanggihan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa ako solid sa part na ’yon. As much as si Maja and Echo.

“Paano ko iiwan ’yon kung hindi ko pa naman ako talaga diyan?”

Ang napabalitang papalit kay John Lloyd sa Bridges ay si Xian Lim.



RENEWAL OF CONTRACT STILL HANGING. Kinumusta ng PEP kay John Lloyd ang tungkol sa nakabinbing pagpirma niya ng bagong network contract sa ABS-CBN.

“Hanging pa rin!” natatawang sagot ng 31-year-old actor.

Pagkatapos ay seryosong sinabi niya, "Kakabalik ko lang kasi, so hindi ko pa nakakaharap ang mga boss ko.

“But very soon, magmi-meeting kami.

"It’s long overdue na, matatapos na rin ’to. Maaayos na, hopefully.”

Kung sakaling mag-renew siya ng kontrata, ano ang mas pipiliin ni John Lloyd na unang gawin—teleserye o pelikula?

Sagot ng Home Sweetie Home actor, “Depende kung ano ang ibibigay nila.

“Sabi ko nga, ’di ba, ano ba, what would inspire me.

“Kapag tumatagal ka pala sa industriya, parang ganun, hindi na importante sa ’yo kung anong klase.

“Ang importante na sa ’yo ay yung mae-excite ka and gusto mo siyang gawin.”



MOVIE WITH SANDARA PARK. Samantala, nabanggit ng PEP sa kanya na kumalat sa Internet ang larawan niya at ng 2NE1 member at dating Kapamilya talent na si Sandara Park, na kuha mula sa kasal ni Jorross Gamboa noong nakaraang linggo.

Sabi ni John Lloyd tungkol dito, “Nakakatuwa kasi kapag nagkikita kami, lagi kaming ganun, nagpapa-picture kami. Natutuwa kami kasi ang cute-cute niya.”

Kaugnay nito, may ilang fans ang humihiling na sana makita silang dalawa sa isang pelikula.

Ano ang masasabi ni John Lloyd dito?

“Hindi ko alam isasagot ko. Puwede. Pero tumatanggap ba siya ng trabaho rito?

“Bakit hindi, that’s something different, that’s something new,” maiksing sagot Kapamilya actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN