Ai-Ai delas Alas to bashers of her relationship with Gerald Sibayan: "Niligawan ako, hindi ako naglandi sa kanya."

Ai-Ai delas Alas wonders why her lovelife is always news, and why age and money issues are perennially the gist of the rumor mill. She says, “Ano bang problema sa edad ko? Mas matanda ako kay Gerald, pero hindi ako 90 years old. Hindi naman ako matandang hukluban.”


Nag-react si Ai-Ai delas Alas, 50, sa mga bumabatikos sa diumano’y birthday gift niya sa boyfriend na si Gerald Sibayan, 21, na trip sa Japan kamakailan.

“Nagbakasyon naman ako, deserved ko naman siguro yun,” buwelta ni Ai-Ai sa mga nang-aakusa sa kanya na idinadaan niya diumano sa pera at mamahaling regalo ang mga lalaking nakakarelasyon niya.

Dagdag niya, “Ngayon lang ako nakapagbakasyon ulit dahil sunud-sunod din ang trabaho ko.

"Katatapos ko lang gumawa ng pelikula.

"Bago ‘yan, na-haggard ako sa paggawa ng Dyesebel.

“Hindi nagtagal, nag-umpisa akong gumawa ng movie, yung Past Tense.

"’Tapos nagkasakit pa ako," pahayag ni Ai-Ai nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) fresh from her trip sa Japan.

IT’S HER LIFE. Diin pa ni Ai-Ai, “Nagpunta ako sa Japan hindi lang dahil birthday ni Gerald.

"May karapatan naman akong magbakasyon at pumunta kung saan ko gustong pumunta.

"May karapatan din ako na gawin ang gusto kong gawin.

"Hindi ba puwede na yung karapatang pantao ko muna bago ang iba?

“Nag-abroad ako, una muna sa sarili ko, and then, birthday ni Gerald.”

Kasama rin ni Ai-Ai na nagbakasyon sa Japan ang mga kaibigang celebrities na sina Allan K, Lito Alejandria (Zirkoh and Klownz owner), at Malou Choa-Fagar (Eat Bulaga! lady boss).

Umalis sila papuntang Japan last week of November at bumalik ng Pilipinas noong Lunes, December 1.

Kuwento pa ni Ai-Ai, “Actually, may klase si Gerald noong Monday, gusto niya na bumalik ng Pilipinas noong Sunday.

"Exact birthday niya yun.

"Parang hindi naman maganda na mag-birthday siya habang nakasakay sa eroplano.

“Kaya sabi ko, i-celebrate natin ang birthday mo sa Japan kaya nag-extend kami ng one day.

"Bigyan din naman siya ng karapatan na mag-birthday sa magandang lugar.

“Saka nandoon na rin lang, e, bakit hindi pa siya doon mag-celebrate?

"Wala ba siyang karapatang mag-birthday nang bongga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit kailangang parati pera ang isyu?

"Kundi pera, ang edad ko ang ginagawang isyu.

“Maganda ako! Mabait [ako] sa asawa.

"Nagkataon lang hindi ako naging masuwerte kay Jed [Salang, her former husband].

“Isip-isip muna lang din,” patungkol niya sa mga nangba-bash sa kanya na netizens.

DECENT PEOPLE. Dagdag pa niya, “Unang-una si Gerald, niligawan ako, hindi ako naglandi sa kanya.

"Hindi ko nga siya kilala, akala ko varsity player siya.

"Member pala ng National Team ng Pilipinas si Gerald.

“Ipinakilala siya sa akin ng friend niya na anak ng may-ari ng badminton court.

"Ibig sabihin, mayaman ang mga kaibigan niya.

“Saka may talent si Gerald, hindi siya basura.

"Matino at disente yung tao.

"At ako, disenteng babae. Hindi lang ako sinuwerte sa lalaki.”

Pagpapatuloy pa ni Ai-Ai, “Ano bang problema sa edad ko?

“Mas matanda ako kay Gerald, pero hindi ako 90 years old.

“Hindi naman ako matandang hukluban.”

FRONT PAGE MATERIAL. Himutok ni Ai-Ai, sobrang double standard daw ng mga Pinoy. Okey lang kapag matandang lalaki ang nakipagrelasyon sa ‘di hamak na mas batang babae.

“Oo, double standard kasi rito.

"Pero marami kaming ganito, na mas may edad ang babae kesa sa partner nila.

"Nagkataon lang na si Ai-Ai ako, kaya hype na hype, e.

“O, gusto lang talaga nila ako na pinag-uusapan?

“Kahit noong araw pa naman, ang lovelife ko ang inaabangan ng mga tao.

“Ilang taon na ba ako sa showbiz? Next year, 25 years na ako sa showbiz.

"Pero yun pa ring lovelife ko ang lagi nilang... parang lagi silang gulat na gulat kapag may karelasyon ako, ganoon?

“A, baka doon sila naa-amaze, na kahit ganito na ang edad ko, e, may nagkakagusto pa rin sa akin na mas bata.

“Dapat pala ako si ’Amazing Ai-Ai’!

"Pansinin mo, laging front page ang lovelife ko.”

PRAYING. Panalangin daw ang takbuhan ni Ai-Ai para tumagal ang relasyon nila ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre hindi na rin ako bata para masyadong namnamin yung relasyon namin ni Gerald.

"Dasal ko lang na huwag siyang magbago.

"Pray ko rin na huwag ako magbago sa kanya.

“Kasi hindi lang naman siya ang ano dito, e.

"Ang relationhip daw para sa dalawang taong magkaiba sa ugali, pananaw sa buhay, lahat.

“Sino ba ang may gusto na twenty-nine days lang tumagal ang kasal mo?

“Lahat hindi yun gusto, hindi ko yun gusto, definitely.

“Unless naka-droga, gusto twenty-nine days lang ang relasyon.

“Lahat gusto ang relasyon tumagal, never ending.

"Pero lahat, nagbabago, puwedeng makuha sa dasal.

"Ang prayer ko sa Diyos, ‘Lord, sana po tumagal kami ni Gerald. Kahit ampalaya na ako, mahal pa rin ako ni Gerald.’

“At siya rin, dapat ang prayer niya, ‘Lord, kahit 300 pounds na ako, mahal pa rin ako ni Ai-Ai.’

"Tabain kaya siya, hindi natin masabi sa ilang taon na darating tumaba siya.

"Mawala ang hitsura niya, kasi nga, lahat nagbabago.

“Kaya nga it’s a blessing talaga na kahit ganito ang edad ko, ganito ang hitsura ko, minahal ako ni Gerald.

“Life is so short, enjoy life,” tapos ni AiAi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN