Aljur Abrenica and GMA Network to attend pre-trial mediation in February 2015

Nasilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang case conference ni Aljur Abrenica at abugado nitong si Atty. Ferdinand Topacio kahapon, December 5, kung saan pinaghahandaan na raw nila ang gagawing pre-trial mediation sa Pebrero 2015.


Nadatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica sa opisina ni Atty. Ferdinand Topacio, Huwebes ng gabi, December 4.

Ongoing ang kanilang case conference dahil magkakaroon na raw ng pagdinig ang reklamo ng actor-singer laban sa GMA Network.

Pero hindi na pinayagan ng abugado si Aljur na magpa-interview sa amin.

Pahayag ni Atty. Topacio sa eksklusibong panayam ng PEP, “We will be having a pre-trial on February 4, 2015.

"And hopefully, may process diyan sa pre-trial wherein the judge will mediate to try to make the parties come to an agreement.

“Hopefully, magagamit namin ‘yang mekanismo na ‘yan upang magkaroon ng satisfactory and mutually acceptable solution sa problema.

“Ngunit, at the same time, katulad ngayon, may case conference kami ngayong araw na ito, na hindi ko naman puwede i-share sa iyo dahil lawyer-client privilege ‘yan.

"Sabi nga nila, we are preparing.

“Katulad nga ng sabi nila, we hope for the best and prepare for the worst.

"Kumbaga, we are at the negotiating table.

"Kumbaga, giyera, both armies are negotiating, mag-truce na lang tayo.

"Ngunit kapag hindi nagkaroon at nagkabunutan ng baril, e, may bala naman tayo.”

Nitong nakaraang linggo lamang ay nakapanayam ng PEP si Aljur.

Sabi niya, may mga usapan nang nangyayari sa pagitan ng kanyang kampo at ng GMA, at baka bumalik na siya sa kanyang mother network.

Read: FIRST READ ON PEP. Aljur Abrenica hints at return to GMA; denies Alden Richards is the reason for filing a complaint

MEDIATION PROCESS. Parte raw ng proseso ng korte na ang anumang reklamo, bago pa magkaroon ng hearing, ay dadaan muna sa isang mediation process.

Sabi ni Atty. Topacio, “To the credit of GMA, they’ve always been willing to sit down.

"In fact, I have sat down with one of their lawyers trying to reach out, at okay naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, so far, wala pang nangyayari.

“If the judge will exercise his moral suasion over the parties, as the presiding judge, baka magkaroon ng resulta.

"Hindi rin naman sarado ang pinto ng GMA sa pagkakaalam ko sa kanilang abugado.”

May tatlo raw klaseng proseso na ginagawa ngayon ang mga korte upang pagkasunduin ang magkakalabang kampo sa pag-asang maayos ito bago pa maiakyat ang reklamo at magkaroon ng hearing.

Paliwanag ng abugado ni Aljur, “Aside from dun sa mediation ng judge sa pre-trial, which is under the rules of court, meron pang referral to mediation under the Philippine Mediation Center (PMC).

"Kapag hindi pa rin magkasundo ang parties dun, meron pang tinatawag na JDR or Judicial Dispute Resolution na ibinibigay sa isang Huwes.

"Hindi ito yung Huwes na nagta-trial sa amin, ibibigay sa isang Huwes kung saan sisikapin niyang muling magkasundo ang mga parties.”

Ano ba ang ilalatag nila sa mediation table sa February 2015?

Ayon kay Atty. Topacio, “Hindi ko alam, ang akin lang, sana naman yung mga gripes ni Aljur ay masolusyunan.

"Yung sinabi niyang hindi nabibigyan ng karampatang atensiyon ang kanyang career, isa yun.

“Ngunit, more than that, ang talagang source ng conflict dito ay yung health ni Aljur.

"Na kung saan sinasabi niya na pinipiga sila physically sa mga taping, sa mga ibang activities, appearances, rehearsals, mga tours, public appearances na nagsa-suffer yung health niya.”

May mga iniinda na raw karamdaman ngayon ang 24-year-old actor dahil sa kanyang "gruelling schedule" noong may shows pa siya sa GMA.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN