Carl Guevara reopens communication lines with ex-girlfriend Kris Bernal

Carl Guevara says the matters of the heart are no longer the same between him and Kris Bernal. "Mayroon pa rin kahit papaano pero ’di na ’tulad ng dati... Happy naman siya sa buhay niya bilang single. Ako, happy din naman ako," he says.


May kumakalat na balitang nagkabalikan na raw ang dating magkasintahang sina Carl Guevara at Kris Bernal dahil nakita silang magkasamang dumating sa Taste of LA restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, noong isang linggo.

Pero umiwas daw agad ang dalawa nang mamataang may press na nauna sa kanila.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carl kagabi, December 4, sa Christmas party ng PPL Entertainment Inc. para sa entertainment editors, hindi naman itinanggi ng aktor na nagkita sila ng ex-girlfriend.

Inamin din nitong siya ang unang nagbukas ng komunikasyon sa kanila ni Kris.

“After five months kasi saka ko lang siya kinumusta, tinext ko siya.

"Ako yung unang nag-text, kinumusta ko siya, tinanong ko kung ano ang free time niya.

"Gusto ko wala kaming itinatagong sama ng loob sa isa’t isa.

"Christmas naman, so inaya ko siya.

"E, wala kaming maisip na lugar, sa Taste of LA kami nagpunta."

Ngunit paglilinaw niya, “’Di naman kami umiwas [sa press], ang dami ring tao ’tapos gusto naming private na mag-usap naman.

"Hindi ko sila nakita... si Kris ang una, sabi niya sa akin, ’Huwag na tayo dito, nandiyan yung mga press.’

"Sabi ko, ’Oo, sige, para mas private.’

"Nangyari ito Wednesday [November 26], last week.

“Hindi na nga kami tumuloy, umuwi na lang... late na rin, e.

"Actually, magkahiwalay nga kami ng kotse.

"Hindi kami nakapag-usap nang maayos, dun lang sa parking sa Taste of LA."

Dagdag pa ni Carl, “Ang hinihintay lang naman niya ay i-text ko siya, tinext ko siya, ’tapos sumagot naman siya.

"Kasi feeling ko, makikita at makikita ko rin siya, puwedeng makatrabaho ko siya.

"Ayoko naman ng may ilangan."



FAMILY REUNION. Ayon pa kay Carl, hindi na rin nila napag-usapan ang mga dating isyu sa kanila ni Kris.

"Hindi na namin napag-usapan yun.

"Napag-usapan lang namin kung kumusta siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy naman siya sa buhay niya bilang single. Ako, happy din naman ako.

"At least, nagagawa ko yung mga priorities ko sa buhay."

Muli na namang nagkita sina Carl at Kris noong Sabado, November 29, sa Greenbelt.

Kuwento ni Carl, “Biglaan lang yun, sa Greenbelt, kasama ko yung family ko.

"Ka-close niya rin kasi yung family ko.

"Mayroon siyang ano sa World Trade, kumanta siya sa isang bazaar.

"Eksakto, yung kuya ko nandun… namimili yata. Ako, nandito sa Quezon City.

"Kinumusta siya ng kapatid ko... si Kris kasi mahilig sa bata, lagi niyang dinadalhan ng mga laruan.

"Natutuwa siya na nakita niya, ’tapos tumawag sa akin yung kuya ko, ’O, nandito pala si Kris, kakanta, ganyan, ganyan, nandito kami.’

“Eksakto, nung Saturday ng gabi, umuwi ako sa amin. Kasi every Sunday, umuuwi ako sa Pasay.

"After nun, nagkayayaan, inaya siya [Kris] ng kuya ko, ’tapos nagkita-kita kami sa Greenbelt.

"Nandun na siya, kasama ko yung mama ko saka yung sister ko.

"Hinatid ko yung sister ko sa Fort kasama ng mama ko.

"Pagkahatid ko sa kapatid ko, dumiretso na ako sa Greenbelt.”

NO LONGER THE SAME. Naging bukas noon si Carl sa pagsasabi kung gaano niya minahal at kung gaano siya nasaktan nang nagkahiwalay sila ni Kris.

Marami tuloy ang nagsasabing baka mauwi sa balikan ang mga pagkikita nilang ito ng ex-girlfriend.

Reaksiyon dito ni Carl, “Hindi mo masasabi, pero masaya kami na single, e.

"Ako, masaya ako, masaya din siya dahil nagagawa niya lahat ng kailangan niya.

“Wala… pero naging parte na siya ng buhay ko, e.

"Hindi naman siya yung walang pagmamahal, as in totally wala.

"Mayroon pa rin kahit papaano, pero ’di na tulad ng dati.

“Hintayin ninyo, bahala kayo... basta ako, masaya ako na ganito, single kami pareho.

"Saka gusto ko munang unahin ang family ko, ang daming dapat ayusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami kong dapat na i-priority muna, ’tapos i-enjoy, kasi nagagawa mo ang mga kailangan mong gawin.”

Sa ngayon ay abala si Carl sa mga shows na binibigay sa kanya ng Kapatid network.

Sambit niya, “Trenderas ongoing ’tapos magkakaroon uli ako ng Wattpad."

Baka rin daw maging regular siya sa Tropa Mo Ako Unli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN