Marian Rivera on her many bridal showers: "Wala po akong karapatan tumanggi sa mga nagbibigay sa akin."

“Sa invitation namin, nakalagay na yung lahat ng magbibigay sa akin, ibigay na lang sa foundation, sa Yes Pinoy Foundation,” says Marian Rivera about not receiving gifts on her wedding to Dingdong Dantes.


“Hindi ko po plinano ’yan. Ibinibigay po sa akin ’yan.”

Ito ang naging pahayag ni Marian Rivera nang tanungin tungkol sa sunud-sunod na bridal showers na inihahanda para sa kanya.

“Siguro laking pasasalamat ko lang na maraming nagbibigay sa akin ng bridal shower,” dagdag pa niya.

Isang bridal shower din ang inihanda sa kanya ng iniendorso niyang Belo Medical Group, Biyernes ng hapon, December 5, na dinaluhan ng mga miyembro ng entertainment media.

Sa dami na ng bridal showers para sa kanya, sabi ni Marian, “Minsan niloloko na nga ako ng mga kaibigan ko, ’Ilang bridal shower ba ang gusto mo?’

“Correction po, hindi po bride ang namimili kung ilan dahil ibinibigay po sa bride ’yan.

“So, wala po akong karapatan tumanggi sa mga nagbibigay sa akin.

“Example, bukas nasa Eat Bulaga! ako, wala akong alam.

"Pero sinabi lang sa akin na kailangan kong pumunta sa Eat Bulaga! dahil bibigyan ka namin ng bridal shower."

Tila hindi naman nagsasawa si Marian na puntahan ang mga bridal shower na hinahanda para sa kanya dahil natutuwa raw siya rito.

“Ang sarap sa pakiramdam kasi, ’tulad ngayon, kasama ko kayo ngayong press people na nandiyan para sa amin, tumutulong para sa amin.

“Masaya ako sa bawat bridal shower na pinupuntahan ko, ito talaga yung mga mahal ko sa buhay at malalapit sa akin.

“Lahat mahalaga at lahat espesyal.”


NO GIFTS ON WEDDING DAY. Samantala, nilinaw ni Marian na bagamat 20 pares ang ninong at ninang nila ng kanyang mapapangasawang si Dingdong Dantes, hindi sila tatanggap ng anumang regalo mula sa kanila.

“Sa kasal namin, hindi kami tatanggap ng regalo.

“Sa invitation namin, nakalagay na yung lahat ng magbibigay sa akin, ibigay na lang sa foundation, sa Yes Pinoy Foundation.

“Gusto ko lang po linawin na napakarami man naming mga ninong at ninang, lahat po ng donations nila ay hindi naman para sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat po iyon ay para sa foundation."

Read: Dingdong Dantes-Marian Rivera wedding entourage revealed


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN