Marian Rivera sheds tears of joy at her seventh bridal shower on Eat Bulaga

Naging emosyunal ang primetime queen na si Marian Rivera matapos magpasalamat sa pagiging parte ng Eat Bulaga. Pinasalamatan niya ang lahat ng sumusuporta sa kanya at sa pagkakataon na maging bahagi ng "Juan for All, All for Juan" kung saan naipapakita niya ang kanyang totoong sarili.


Isang emosyunal na Marian Rivera ang bumungad sa mga tagapanood ng Eat Bulaga ngayon hapon sa segment nitong "Juan for All, All for Juan."

Malayo sa karaniwang bridal shower ang ibinigay ng Eat Bulaga family sa soon-to-be married primetime queen na si Marian.

Bago magsimula ang pagsugod sa bahay ay inalayan ng mga taga-Barangay UP Campus, Quezon City, ng mga pulang rosas si Marian habang nakasakay ito sa tricycle.

Ibinigay naman ng mga kasama niya sa kanyang pagba-Baranggayan na sina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros ang isa sa limang regalo nila para sa primetime queen.

Agad itong binuksan ni Marian at nakita ang picture frame na naglalaman ng baby picture nila ni Dingdong.

Aniya, “Gusto ko lang mag-thank you kasi hindi pa naman ako masyadong katagalan pa sa Eat Bulaga pero yung pagmamahal at pagtanggap nyo sa akin sobra-sobra.

“Para isipan nyo pa ako na mag-bridal shower kahit na napakarami ko nang ginagawa. Alangan namang tanggihan ko ang mga nagmamahal sa akin. Salamat sa effort nyo... sa lahat ng nandito.

“Tito, Vic, and Joey, salamat po!”

Sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang main hosts ng 35 taon nang noontime show na Eat Bulaga.

Sa ikalawang bahagi ng surpresa kay Marian ay naghanda ang mga taga-UP ng isang bonggang dance production number na labis na ikinatuwa ni Marian bilang isa rin siyang mananayaw.

Pagdating nina Marian at Paolo sa covered court ay bumungad ang makulit at kuwelang surpresa nina Wally at Jose kay Marian. Ginaya at sinayaw nila ang isa sa mga hit project at role ni Marian na Marimar.


Matapos nito ay lumabas na ang pagiging emosyunal ni Marian nang pasalamatan siya ni Jose sa pagiging bahagi ng "Juan for All, All for Juan."



Sabi ni Marian, “Dahil talaga sa ’Juan for All’ ay nakilala nila kung sino talaga si Marian sa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang thankful ako na naging parte ako ng Eat Bulaga, kasi ang daming taong nakaka-appreciate ngayon sa akin na ang saya saya ko ’pag nag-’Juan for all’ ako.

“Sabi ko nga sa sarili ko kahit magkaroon ako ng soap, once a week gusto ko mag-Eat Bulaga kasi ang saya ko na walang pretention, walang script kung ano yung nakikita ng tao sa ’yo yun na yun.

“Salamat sa pagmamahal nyo, sobrang saya ko na naging parte ako ng Eat Bulaga. Thank you.”

Kuwento ni Jose, “At nakita naman namin sa Eat Bulaga talaga noong papasok ka pa lang sinabi sa amin na mayroon kaming makakasama.

“Alam mo nung sinabi na si Marian Rivera yung makakasama namin, sabi ng iba ‘Kaya, kaya niya?’

“Sabi nga namin, marami ngang pumupuna sa kanya, ‘Si Marian ganyan…’ Isa lang naisip namin—si Marian totoong tao ’yan at makikita mo ’yan ’pag kasama mo na sa ’Juan for All, All for Juan’ at lalabas ang lahat ng totoo kay Marian Rivera.”

Patuloy ni Marian, “Kasi bilang artista, public property ka. Lahat ng bagay napupuna sa ‘yo. So, nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng lahat nang yun, mas marami yung nagmamahal sa akin.

“Kaya thankful talaga ako, kaya sa lahat ng tao na masaya para sa akin, masaya para sa amin ni Dong, thank you. Walang hanggang pasasalamat dahil isa kayo sa mga biyayang ibinigay ng Diyos sa akin.

“Kaya sobrang happy ko talaga.”

Nakatakdang ikasal sina Marian at kasintahang si Dingdong Dantes sa darating sa December 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN