Venus Raj on late beauty queen Melody Gersbach finally getting long-overdue justice: “Matagal kong ipinagdasal na mangyari ito...”

Venus Raj on the long wait that Melody Gersbach’s family had to endure for justice to be served: “Alam kong masakit para sa pamilya ni Melody na nangyari ito at apat na taon din silang naghintay para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Melody.”


Nagpasalamat ang former Bb. Pilipinas-Universe na si Venus Raj na natupad na ang dasal niyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang kaibigan na si Melody Gersbach.

Noong nakaraang November 22 ay nahatulan ang bus driver na si Wilson Pontillas ng apat hanggang sampung taon na pagkakakulong dahil sa aksidenteng ikinamatay ng former Bb. Pilipinas-International at sa dalawang kasama pa nito.

Kinasuhan ito ng reckless imprudence resulting in multiple homicide, serious physical injuries and damage to property.

Inutusan din ng korte na magbayad ng indemnity si Pontillas sa mga kaanak ni Gersbach at sa dalawang kasama nito.

Nabangga ng bus na minamaneho ni Pontillas ang sinasakyang Toyota Innova ng 24-year old Bicolana beauty queen noong August 21, 2010.

Head-on collision ang naturang aksidente na nangyari sa Barangay Pawili sa Bula, Camarines Sur. Dead on the spot si Gersbach pati na ang kasama nitong make-up artist na si Alden Orense at ang driver niyang si Santos Ramos, Jr.

Noong makarating kay Venus ang balita tungkol sa hatol kay Pontillas, hindi raw niya alam kung matutuwa siya dahil nandoon pa rin ang lungkot dahil kahit na ipakulong ang naturang bus driver ng ilang taon ay hindi na maibabalik pa ang buhay ng kanyang kaibigan at ng ibang taong nasawi sa aksidenteng iyon.

“Matagal kong ipinagdasal na mangyari nga ito—na mabigyan ng justice ang pagkamatay ni Melody at ng mga kasama niya. Kaibigan ko rin kasi yung make-up artist niyang si Alden.

“Alam kong masakit para sa pamilya ni Melody na nangyari ito at apat na taon din silang naghintay para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Melody.

“Ako naman, nagpasalamat ako kay Lord dahil nadinig niya ang mga dasal namin para kay Melody.

“Pero nandoon pa rin ang lungkot ko dahil hindi na nga maibabalik pa ang buhay ng kaibigan ko.

“Patuloy pa rin kaming nagdarasal para kay Melody at sa katahimikan ng kaluluwa niya,” pahayag pa ni Venus sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last December 5 bago siya lumipad for Osaka, Japan para sa travel magazine show niyang Business Flight with businesswoman Cristina Decena sa GMA News TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOCKED. Hindi nga malilimutan ni Venus ang aksidenteng iyon ni Melody dahil nangyari nga iyon habang nasa Las Vegas siya para sa 2010 Miss Universe.

“Nangyari yung accident ni Melody a day before the coronation night ng Miss Universe.

“Ang mga taga-Bb. Pilipinas, ayaw nilang sabihin sa akin dahil baka raw maapektuhan ang performance ko sa Miss Universe.

“Pero nalaman ko rin dahil mga kaibigan namin ni Melody sa Bicol ang nagparating sa akin ng pangyayaring iyon.

“Siyempre sobra akong shocked at iniyakan ko ng husto dahil bago ako umalis for Las Vegas, almost every day magkasama kami because she was coaching me.

“At masayang-masaya siya dahil natuloy ang pag-compete ko despite of all the controversies.

“Isa si Melody kasi sa sobrang sumuporta sa akin noong ipinaglalaban ko ang titulo ko. Isa siya sa nagpalakas ng loob ko that time.

“Kaya imbes na paghinaan ako ng loob noong malaman ko ang nangyari sa kanya, yung paglaban ko sa Miss Universe, dedicated ko kay Melody.

“Nakakalungkot lang na hindi niya nasaksihan iyong pag-compete ko. I know that she would have been proud,” pag-alala pa ni Venus na naging 4th runner-up sa 2010 Miss Universe.

FRIEND AND MENTOR. Malaki raw ang utang na loob ni Venus kay Melody dahil hindi lang daw niya ito kaibigan kundi mentor din niya ito.

Si Melody ang nag-convince kay Venus na pumunta ng Manila para lumaban sa mga malalaking pageants tulad ng Miss Earth Philippines in 2008 at Bb. Pilipinas in 2010.

“Mga kontesera kasi kami sa Bicol ni Melody. Nagkakasabay kami parati sa mga beauty contests. Pareho rin kaming nanalo ng title na Miss Bicolandia.

“Si Melody ang nagpakilala sa akin kay Mama Jonas [Gaffud] at sobra ang pag-build up niya sa akin.

“Kaya hindi ko siya talaga malilimutan dahil naniwala siya sa akin. Tinulungan niyang maabot ko ang mga pangarap ko sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At napakabait na tao niyang si Melody. Lahat ng mga kababayan namin na may pangarap na maging beauty queen ay tinutulungan niya.

“Kaya I will forever miss her,” deklara ni Venus..


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN