(UPDATED) Agot Isidro falls victim to Dugo-Dugo gang

Agot Isidro reported lost more than P3 million in cash and pieces of jewelry to suspected members of “Dugo-Dugo gang” on Saturday, December 6.


Nabiktima si Agot Isidro ng tinatawag na Dugo-Dugo gang noong Sabado, December 6.

Ayon sa ulat ng Tempo kaninang madaling-araw, December 8, sinabi ng pulisya na umaabot sa P3 milyon ang halaga ng cash at mga gamit na nakuha mula sa singer-actress.

Base sa police report na nakuha ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QC-CIDU), naganap ang pambibiktima ng Dugo-Dugo gang bandang 3 p.m. hanggang 7 p.m. sa tirahan ng aktres sa Blue Ridge Subdivision, Barangay Blue Ridge, Quezon City.

Personal umanong nagpunta sa CIDU si Agot para i-report ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap ng tawag ang kasambahay ni Agot na si Maenelyn Omapas mula sa isang ’di kilalang babae.

Sinabi nitong naaksidente ang kanyang employer na si Agot kasama ang isang mayamang Chinese na nagngangalang Allan Chua.

Pagkatapos ay ipinasa umano ng tumawag ang telepono sa isang babaeng nagpanggap bilang si Agot, at sinabi sa kanyang hindi maganda ang kanyang pakiramdam at kailangan nang umuwi.

Subalit bago makauwi, kailangan daw muna ng nagpapanggap na si Agot ng pera para ibigay sa kasamang si Chua.

Dahil dito, sinunod ng kasambahay na si Omapas ang tumawag at hinanap ang safety vault ng aktres.

Kinuha niya mula rito ang pera at mga alahas, at inilagay niya sa isang bag katulad ng utos sa kanya ng tumawag.

Sumakay raw ng taxi ang kasambahay bitbit ang mga pera at alahas at pumunta sa Wilcon Depot sa Balintawak, Quezon City. Dito niya kinita ang isang babaeng nagpanggap naman na secretary ng tumawag sa kanya.

Na-realize daw ng kasambahay ni Agot na naloko siya ng Dugo-Dugo gang nang malaman niyang nasa trabaho pa ang aktres.

Sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.


UPDATE: Ngayong gabi, December 8, ay nakapanayam ng 24 Oras ng GMA Network si Agot tungkol sa insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, "Iniisip ko ano lang ’yan, kikitain din ’yan. Pera lang ’yan. Alahas lang ’yan. Do not be attached to material possessions.


"Pero it’s not that, e. After a while, nagdu-dawn na sa akin na... it’s all my hard work. It’s all the blood, sweat, and tears that is now in the hands of very bad people."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN