Vice Ganda assures his Christmas will not be cold this year; refuses to reveal details about current lovelife

Vice Ganda on having a lovelife: "Dini-deserve naman nating lahat yun, ’di ba, na humarot at kiligin paminsan-minsan. Nakakadagdag ito sa ngiti natin, ’di ba?"


Kinontra ni Vice Ganda ang haka-hakang malamig ang kanyang Pasko sa taong ito, matapos ang kontrobersiyal na isyu tungkol sa kanyang lovelife noong Mayo.

Matatandaang pinag-usapan ang pagdi-deny ng PBA player na si Terrence Romeo tungkol sa relasyon nila ng TV host-comedian.

Si Terrence ay dating varsity player ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws at ngayon ay naglalaro na para sa GlobalPort Batang Pier.

Nagbunga ang denial na ito matapos mag-post si Vice sa kanyang Instagram account na “It’s over.”

Read: Vice Ganda speaks up about Terrence Romeo’s denial

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Vice pagkatapos ng presscon proper para sa pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin kahapon, December 7, iginiit niyang may nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sabi niya, “Ay, hindi malamig ang Pasko ko!

"Sinabi ko na sa inyo, mali ang alam niyo.

"Hindi, basta hindi malamig ang Pasko, masaya ang Pasko ko.

"Siyempre, kailangang may inspirasyon na ganun, hindi puwedeng wala.

"Dini-deserve naman nating lahat yun, ’di ba, na humarot at kiligin paminsan-minsan.

"Nakakadagdag ito sa ngiti natin, ’di ba?"

Nang hingan namin siya ng kahit kaunting detalye tungkol sa nagpapasaya sa kanya ay tumanggi si Vice.

"Wala nang details. Siyempre, para sa akin, guwapo, ’no, basta..."

Isisikreto na naman ba niya ito kattulad ng dati, ’tapos ay bigla na lang maglalabasan ang kontrobersiya?

Natatawang tugon ni Vice, "Oo... basta!"

Ano ang natutunan niya tungkol sa kanyang nakaraang lovelife?

Sagot ni Vice, "Ano... you keep experiencing the same things over and over again.

"The same thing, the same happiness, the same thing."

Hindi ba siya napapagod sa paulit-ulit na ikot na pangyayaring ito tungkol sa usapin sa pag-ibig?

Aniya, "Hindi, kasi ’pag napagod ka, ’di matigok ka na lang, ’di ba?"

Ibig bang sabihin nito, laging bukas ang kanyang puso sa bawat bagong pag-ibig?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang tugon, "Oo, kasi ’pag nagsara ’yan, mamamatay ako.

"Hindi man siya priority, pero meron dapat, ’di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN