Vice Ganda to undergo operation in January 2015

Aminado si Vice Ganda na nakakaramdam siya ng pressure sa pagpapalabas ng sequel ng kanyang blockbuster movie na Praybeyt Benjamin. Saad niya, "Napaka-successful nga yung una, ‘tapos yung sundan mo pa siya ng ganung pelikula, napakalaking challenge na ma-sustain yung success nung una. Lahat kami dito ay nag-iingat na malampasan, kundi man mapantayan yung una, kasi nakakatakot."


Bago matapos ang taong 2014 ay nagkaroon ng problema si Vice sa kanyang kalusugan.

Naging dahilan ito magpaalam muna siya pansamantala sa kanyang daily noontime variety show na It’s Showtime sa Kapamilya network.

Kumusta naman siya ngayon?

Ayon sa 38-year old box-office star, "Okay naman, nakaka-survive pa naman.

"Pero sa January, pagkatapos na maipalabas itong pelikula [The Amazing Praybeyt Benjamin], meron akong surgery.

"Hindi kasi natanggal yung polyps dun sa vocal cord, ayun.

"Okey naman, puwede namang itrabaho na, hindi lamang puwedeng abusuhin ng masyado."

Apektado raw nito ang kanyang singing voice.

Pag-amin niya, "Opo, hindi ako masyadong nakakakanta ngayon.

"Paisa-isa puwede naman, pero yung talagang malala, hindi uubra kasi pipiyok ako nang bongga.”

May kaba ba siyang nararamdaman sa gagawing operasyon sa kanya?

Pagsisiguro naman niya, "Wala naman kasi in-assure ako...

“Kasi, ang ate ko nga ay ENT [Eye, Nose, Throat Doctor of Medicine].

"Siya naman ang nagsabi sa akin na safe, wala naman daw tahi sa labas kasi nga sa loob daw yung tahi.

"E, natatakot ako dati, kasi yung Joan Rivers, pareho kami ng case.

"Kaya in-assure nila na hindi raw [ako dapat mag-worry]."

Si Joan Rivers ay ang American comedienne-TV host na namatay noong September 4, matapos magkaroon ng maraming kumplikasyon habang isinasagawa ang minor surgery sa kanyang lalamunan.

Tungkol naman sa pelikula niyang The Amazing Praybeyt Benjamin, entry sa 2014 Metro Manila Film Festival, may malaking responsibilidad daw siya rito, lalo na’t isang malaking blockbuster ang unang installment ng Praybeyt Benjamin na ipinalabas noong 2011.

Sabi ni Vice, "Napaka-successful nga yung una, ‘tapos yung sundan mo pa siya ng ganung pelikula, napakalaking challenge na ma-sustain yung success nung una.

"Lahat kami dito ay nag-iingat na malampasan, kundi man mapantayan yung una, kasi nakakatakot.

"At saka mas physically challenging yung ngayon kasi dun sa una, walang stunts-stunts na ginawa, puro patawa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ngayon, may fight scenes kami ni Tom Rodriguez na kaaway ko sa movie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN