Andi Eigenmann thankful to Bret Jackson for making her smile even "from a distance"

Tahimik na ang mga kampo nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito matapos nilang magkaroon ng nakakaintrigang posts sa social media last week. May kaugnayan pa rin ito sa bagong idini-date ni Jake na si KC del Rosario na labis daw ikinasakit ng damdamin ni Andi.


Bagamat hindi nagbunga ang panliligaw ni Bret Jackson kay Andi Eigemmann, hindi pa rin nawawala ang suporta ng dating Pinoy Big Brother Teen housemate sa aktres.

Sa gitna ng balitang may bagong idini-date ang ex-boyfriend ni Andi na si Jake Ejercito ay nagpaabot ng mensahe si Bret kay Andi.

Read: Jake Ejercito rumored to be dating non-showbiz girl; gets bashed due to issue involving Andi Eigenmann

Matatandaang inamin ni Andi, sa pamamagitan ng kanyang posts sa Instagram, na nasaktan siya sa pagdi-date ninanapapabalitang relasyon ni Jake sa socialite na si KC del Rosario.

Read: Andi Eigenmann on Jake Ejercito-KC del Rosario romance: “I am most definitely hurting so much.”

Sa kasagsagan ng ingay sa social media noong December 5, nag-post si Bret ng litrato ni Andi sa kanyang Instagram account kung saan sinabi niya: “Don’t be sad cake smile ka na.”

Don’t be sad cake smile ka na.

A photo posted by Bret Jackson II (@b.waw) onDec 12, 2014 at 3:37am PST

Nag-tweet naman si Andi matapos nito ng: “I let go of someone who has been so [a]mazing to me, yet he still manages to try and make me smile even from a distance. Thank you @bretwaw.”

Burado na ito sa timeline ng Twitter account ng actress.

JERIKA WEIGHS IN. Nitong Sabado, December 6, ay isang post naman sa Instagram ng kapatid ni Jake na si Jerika Ejercito ang lumabas, na ayon sa comments ay patama kay Andi.

We all know one😘 #justsayin #goodnight

A photo posted by Maria Jerika Ejercito (@mariajerikaejercito) onDec 12, 2014 at 7:31am PST

Caption niya sa post: “We all know one😘 #justsayin #goodnight.”

Sa comment section, may sinagot si Jerika sa tanong kung hanggang kailan ba ang drama nina Andi at Jake.

Aniya: “There’s no drama😊 two people growing up is all that it is... It’s pretty normal😉 thanks👍😊.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN