Joey de Leon tweets about typhoon Ruby, intended for Korina Sanchez?

"Dun sa mga umaasa na lumihis ang bagyo at dumiretso na lang sa Japan eh WAG NAMAN. Pwede namang HUMINA na lang katulad ng utak nung umasa!" says Joey de Leon on his Twitter post last night, December 8.


Tila pinatamaan ng veteran comedian-TV host na si Joey de Leon ang newscaster na si Korina Sanchez kaugnay ng komento ng huli na sana ay lumihis ang bagyong Ruby sa Japan.

Pahayag ni Joey sa kanyang Twitter post kagabi, December 8:

Hindi pinangalanan ng Eat Bulaga! host kung sino ang pinatutungkulan niya.

Ngunit kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang mga binitiwang salita ni Korina sa TV Patrol noong December 3.

Sabi ni Korina, nang ihayag ng kanyang co-anchor na si Noli de Castro na parehong apektado ang Pilipinas at Japan ng bagyong Ruby: “Puwede bang sa kanila na lang lahat?”

Umapela ang co-anchor ni Korina na “huwag naman” sanang bagyuhin nang todo ang Japan.

Sagot ulit ni Korina: "Sa kanila na lang lahat. Parang mas kaya nila."

Read: Did Korina Sanchez seriously wish Japan ill?

Base sa komento ng Twitter followers ni Joey, agad nilang pinangalanan si Korina na siya diumanong pinatututsadahan ng Eat Bulaga! host.

Sa mga sumunod niyang tweets ngayong araw, December 9, tila nagbigay ng clue si Joey na may kaugnayan sa news reportage ni Korina ang mga pasaring niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN