Jake Cuenca not pressured by higher expectations after studying acting in New York

Jake Cuenca on trying his luck in Hollywood: “Yeah, may mga nag-convince sa akin na mag-audition, mag-stay and everything. Pero siyempre, kapipirma ko lang sa ABS-CBN ng dalawang taon, hindi ko naman puwedeng i-obligate ang sarili ko for that. Habang nandoon ako, alam ko na magte-taping ako, and then pahinga isang araw, ‘tapos taping na agad.”


Mahigit isang buwan nawala sa Pilipinas ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca para bigyan ang sarili ng mas malawak pang kaalaman at dagdag na karanasan sa larangan ng pag-arte.

Kumuha siya ng maikling kurso tungkol sa Method Acting sa The Lee Strasberg Theatre and Film Institute sa New York City.

Ayon kay Jake, hindi niya makakalimutan ang naging karanasan na ito.

“I was gone for one and a half months. It was an amazing experience.

“’Tulad nga ng sinabi ko, it’s something I really needed for my career. Not just in my career but in my life.

“Parang I had a deeper understanding with what I love to do, which is acting.

“’Tapos, malaking bonus pa na nanalo ako ng award when I was there. Sa totoo lang, mabait ang Diyos.”

Ang tinutukoy na “award” ni Jake ay ang Best Actor recognition na natanggap niya mula sa 2014 International Film Festival Manhattan (IFFM) para sa kanyang pagganap sa indie film na Mulat.

Patuloy ng aktor, “Gusto kong bumalik, parang bitin pa ako.

“Baka pagkatapos ng teleserye ko, ang Pasion de Amor, baka bumalik ako dun, mas mahabang course naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Jake sa press conference ng Mulat, na kabilang sa New Wave entries sa 2014 Metro Manila Film Festival.


PRESSURE. Dahil galing siya sa isang acting school sa New York, kung saan din nag-train ang ilan sa pinakamahuhusay na Hollywood stars, may pressure ba ngayong mas malaki na ang expectations sa kanya?

Tugon ni Jake, “Alam ko naman yun bago pa ako umalis.

“Pero ‘tulad nga ng sinabi sa amin sa eskuwela, hindi mo puwedeng pilitin ang method. You wait for the method to come to you.

“For me, technically, I’m gonna do my best like I always do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In time, I want this knowledge to come naturally.

“Ayoko rin kasing pilitin na ‘Uy, may expectation, kailangan kong galingan!’

“So, for me, I’ll just do my best like I always do and I’ll just let everything that I’ve learned to come out naturally.”

Gusto raw ni Jake na mag-aral nang mag-aral at isa raw sa pangarap niya ang magtayo rin ng acting school pagdating ng araw.


HOLLYWOOD DREAM. Noong nasa New York siya, totoo bang may nag-alok sa kanyang subukang pasukin ang Hollywood?

Pagkumpirma ni Jake, “Yeah, may mga nag-convince sa akin na mag-audition, mag-stay and everything.

“Pero siyempre, kapipirma ko lang sa ABS-CBN ng dalawang taon, hindi ko naman puwedeng i-obligate ang sarili ko for that.

“Habang nandoon ako, alam ko na magte-taping ako, and then pahinga isang araw, ‘tapos taping na agad.”

Plano pa rin niyang mag-audition sa Hollywood balang-araw?

“Siguro kapag tinanggap ko yun, mas mahabang course.

“Halimbawa, gawin ko ang three-months course.

“In between, puwede akong mag-acting coach habang nag-o-audition gamit ang eskuwela ko.

“Puwede kong kunin ang teacher ko para tulungan akong mag-audition.”

IMPROVING HIS CRAFT. Nilinaw ni Jake na hindi ang makapag-audition sa Hollywood, katulad ng iniisip daw ng iba, ang dahilan kaya siya nag-aral.

Talagang gusto lang daw niyang mag-improve pa pagdating sa pag-arte.

“Kung makaabot tayo sa international, why not?

“Pero ‘eto ang nasa harapan ko. I have soap opera in front of me.

“I don’t wanna think about that and overlook my responsibility.”

Ilan daw sa Hollywood stars na nakita o nakasama ni Jake habang nasa New York siya ay si Vincent D’Onofrio (Men In Black). Naka-attend din daw siya ng Q&A ni Robert Downey Jr. (Iron Man). Nakilala rin daw niya sina Donnie Wahlberg (Zookeeper) at Jason Lee (Alvin and the Chipmunks).

Ayon pa kay Jake, “Yung ibang mga teachers ko, mga artista rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga nakilala ko kaya parang ang sarap din mag-share ng mga experiences.”

Marami na rin local artists na sumubok na pasukin ang Hollywood. Pero, marami rin sa mga ito ang nabigo na makapasok talaga. Hindi siya natatakot na baka matulad din sa iba?

Saad ni Jake, “Yun na nga, yung sole purpose ko kasi… yung iba kasi, they try.

“Parang pupunta sila dun, dropping everything, ‘tapos pupunta sila dun.

“Kasi ako, what I did, I studied and, at the same time, yun na nga, to find a way to audition.

“At the end of the day, kung wala man mangyari, you studied. You became a better actor.

“Regardless of the fact na you did the project there or you didn’t.

“Ang sa akin lang talaga, I went there, not to be an actor there but yung goal ko na mas gumaling pa na artista and lumawak yung knowledge ko pagdating sa pag-arte.

“Definitely, yung gutom ko, hindi pa natatapos dun. Babalik ako dun para mag-aral ulit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN