Jake Cuenca brushes off criticisms over his last Bench appearance

Jake Cuenca on his last Bench underwear fashion show: "Bago ko pa ginawa ang fashion show na yun, in-announce ko na this is my last prod. And you know what, I have no regret. Yung audience participation naman noong gabing yun was amazing. It is the largest one among the Bench fashion show that I did, even with finale and all that."


Ipinagkikibit-balikat ni Jake Cuenca ang pambabatikos sa ginawa niyang pagrampa sa The Naked Truth: The Bench Denim and Underwear Fashion Show noong September.

Pagkatapos ng show ay pumunta ng New York si Jake sa loob ng mahigit isang buwan kaya hindi siya nausisa ng press noon kung ano ang kanyang naging reaksiyon sa mga batikos na natanggap niya sa social media.

Ang The Naked Truth ang huling beses na pagrampa ni Jake bilang Bench endorser kaya itinodo niya ito.

View photos: The Naked Truth: Jake Cuenca’s Last Bench Body Fashion Show

Sabi ni Jake tungkol sa bashers at haters niya, “Just spell my name right.

“Whatever news there, it was the loudest ovation of my life. Thank you so much sa lahat ng taong tumili sa akin noong Bench.

“And to everyone who hated it, on Twitter, Instagram, and anything, well, thank you for spelling my name right.

“At least you guys can talk about me, I really appreciate that.”

Sinasabi naman ni Jake na talagang tapos na siya sa pagrampa sa Bench fashion shows. Huling beses na niya yun.

“Bago ko pa ginawa ang fashion show na yun, in-announce ko na this is my last prod.

“And you know what, I have no regret.

“Yung audience participation naman noong gabing yun was amazing.

“It is the largest one among the Bench fashion show that I did, even with finale and all that.

“So, I wanna thank all the fans and everyone who went to the Bench fashion show.

“And again, thank you to everyone who made the fashion show trend noong ini-air sa ABS-CBN. Thank you for making me trend.”

Totoong huling beses na niyang pagrampa yun?

“I’ve done everything already.

“Yung ginawa kong huling fashion show, how can you top that? Tell me how?

“Tell me and probably I’ll do it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Jake nang may magsabing wala na lang talaga siyang suot.

Aniya, “Anything more than that could be immoral and very inappropriate, so that’s it.”

Nabanggit na niya dati may dalawang taon na ang nakalilipas na huling pagrampa na niya yun, pero ginawa pa rin niya sa The Naked Truth.

Ayon naman kay Jake, “You know, that’s my love for Bench.

“One thing naman, for sure, that’s my last fashion show but I’m not leaving Bench.

“Bench is still my family.

“I still owe Bench my career kasi kung hindi dahil sa Bench, baka wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.

“I’m not leaving Bench, it’s just my last underwear fashion show.

"But I can still do the fashion show, but not on my underwear."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN