Tom Rodriguez on setting foot again in ABS-CBN: "It’s a heartwarming feeling."

Tom Rodriguez on being a former Kapamilya: “Basta, ako lang, I always pay my respect to ABS-CBN kasi I did start here. It will always be a part of my life.”


Hindi makapaniwala si Tom Rodriguez sa muli niyang pagtuntong sa bakuran ng ABS-CBN pagkatapos niyang lumipat sa GMA Network noong 2013.

Kasama si Tom sa cast ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na The Amazing Praybet Benjamin, na pinagbibidahan ni Vice Ganda sa ilalim ng Viva Films at Star Cinema, ang film arm ng Kapamilya network.

Ginanap ang presscon nito sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN noong Linggo, December 7.

Matapos ang presscon proper para sa nasabing pelikula, inilahad ni Tom sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nararamdaman niya sa kanyang pagbabalik sa dating home network.

Saad niya, “Kanina nga, nagdyu-joke ako kay Sir Richard [Yap], last time na nandito ako, sa mismong lugar na ito kung saan tayo nagpi-presscon, para din sa presscon ng Be Careful With My Heart.

“Siyempre, it’s a heartwarming feeling din to be able to set foot ulit dito sa ABS-CBN 2.”

Ano ang pakiramdam na sa muli niyang pagbabalik ay itinuturing na siyang “big star”?

Pagkontra ni Tom, “I didn’t think about that way.

“Basta, ako lang, I always pay my respect to ABS-CBN kasi I did start here.

“It will always be a part of my life.”

Si Tom ay unang napanood bilang housemate sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Double Up.

Paano siya nakagawa ng pelikula sa film division ng ABS-CBN, ang Star Cinema, gayong exclusive talent siya ng GMA?

Paliwanag ni Tom, “I’m exclusive with GMA sa TV and sa network. Pero wala kaming exclusivities when it comes to movies, e.

“In that regards, we are free to do movies, whatever movie or film outfit na meron.”

Makakapag-promote din ba siya sa live shows ng ABS-CBN?

“Depende yun sa GMA, to be fair to them.

“And I really commend GMA, they’re so always willing and so giving sa mga artista nila na mag-promote sa ibang networks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya I’m sure wala namang magiging problema sa kanila.”

Puwede niya bang banggitin sa kanyang shows mo sa GMA, gaya ng Don’t Lose The Money at Sunday All Stars, ang Praybet Benjamin?

Saad ni Tom, “Doon po, wala po akong alam. Hindi pa naman po naiiutos sa akin.

“Si Popoy [Caritativo, his manager] po ang mas makakaalam.

“Pero feeling ko, wala naman pong problema, kasi GMA is so giving towards me and so very understanding and so supportive.

“Kasi lahat ng ginawa namin dito [Praybet Benjamin], may basbas ng GMA.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN