Gretchen Barretto gets to appreciate Christmas after having her own family

Gretchen Barretto: “Christmas is not about expensive gifts, let’s not lose sight of the meaning of Christmas. It’s really the thought. Puwedeng maliit na bagay siya, pero it’s with the love and the packaging also.”


Excited ang aktres na si Gretchen Barretto ngayong darating na Kapaskuhan dahil uuwi sa Pilipinas, mula London, England, ang kanyang unica hija na si Dominique Cojuangco.

Kuwento ni Gretchen sa PEP.ph (Philippine Entertainmet Portal), “Well Dominique is coming in the few days.

“Nandito kami for the Christmas season. So far, yun lang ang plano namin.”

Sabi pa niya tungkol sa anak, “Okay naman siya, she’s very eager to come home.

“Wala siyang social life dun, talagang it’s all work.

“Ang lamig-lamig, mahirap lumabas, at nag-aaral siya.

“Tony [Cojuangco, Gretchen’s partner] was with us for two weeks in a half.

“Dun siya nag-birthday [sa London] kasi akala niya babalik ako dito sa Pilipinas, kasi it’s his 63rd birthday

“’Tapos, sabi nga ni Tony, ‘I think my gift to myself is to celebrate with Dominique.’ Kasi nami-miss niya si Dominique.”

Ayon pa kay Gretchen, walang problema sa kanya kung magpaligaw man ang kanyang 22-year-old daughter, pero iba raw ang nakikita niyang prayoridad ng anak.

“I allow her to date if she wants to, but that’s not her priority now.

“Masipag na bata, gusto niyang mag-aral.

“Mayroon siyang isu-shoot na commercial pag-uwi niya dito, working girl din.

“Okay ‘yan, hangga’t bata trabaho nang trabaho, ipon nang ipon.

“Movies? No, no, no, hindi talaga. Hindi marunong mag-Tagalog. Huwag muna.”


CHRISTMAS GIFTS. Habang nasa London sila ay namili na rin si Gretchen ng mga ipanreregalo niya sa Pasko.

“Tapos na, I did that in London. Nandun ako, so nag-Christmas shopping na ako.”

Personalized ba ang mga ireregalo niya?

Sabi ni Gretchen, “Depende kung kanino ko ibibigay.

“Siyempre lumalaki na ang grupo namin, ang laki-laki na, so ang hirap.

“It’s better na pare-pareho na para wala nang comparing.

“I love Christmas… I never usually enjoy Christmas, but, I guess, ever since na nagkaroon ako ng Dominique, nagkaroon ako ng pamilya, a lot of friends, I feel more fulfilled now with my career and my life, siguro mas relaxed akong tao ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Christmas is not about expensive gifts, let’s not lose sight of the meaning of Christmas.

“It’s really the thought. Puwedeng maliit na bagay siya, pero it’s with the love and the packaging also.”

Kuwento pa niya, “Si Dominique, tinanong niya sa akin, ‘Mom, what do you want for Christmas? I wanna buy it for you already while we’re here.’

“I said, ‘I don’t know what I want.’

“Kasi nga, sabi ko, I look beyond material things.

“I have Tony, I have Dominique, I have a peaceful life, I have a career, what more can I ask for?

“Sabi niya, ‘You know what, I think you want tea cups,’ so binigyan niya ako ng maraming tea cups.

“Siya, naiisip niya what more she can give me.”

Sa kabila ng tagumpay sa kanyang career at magandang buhay, para kay Gretchen ay sapat na ang pagmamahal ng kanyang mag-ama at mga totoong mga kaibigan para maging kuntento sa buhay.

“I thank God for all the blessings and for a peaceful life.

“Alam ninyo naman ang pinagdaanan ko, so wherever I am right now, I’m just really grateful to God, Our Lady of Perpetual Help, Tony and Dominique.

“Tony for always loving me and Dominique for always making me smile and all my friends.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN