Matteo Guidicelli learns about Sarah Geronimo’s "The Glow" version online

Matteo Guidicelli tells girlfriend Sarah Geronimo about her Disney Asia stint: “Dapat you’re very proud of it, dapat you tell me, ’di ba?”


Isa na namang proud moment para kay Matteo Guidicelli ang pagkakapili sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo para kumanta ng sarili nitong version ng “The Glow” para sa Disney Channel Asia.

“I’m very proud siyempre naman po kasi Disney ’yon. Sobrang proud po ako sa kanya. Congratulations to her,” nakangiting sabi ni Matteo nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng Shake, Rattle and Roll XV, Martes ng tanghali, December 9.

Ayon kay Matteo, hindi pa niya napakikinggan nang buo ang version ni Sarah sa 2011 original soundtrack ng Disney movie na Tangled.

“Wala pa. Mamaya tatawagan ko siya,” biro pa ng Kapamilya actor.

Inamin din ni Matteo na hindi kay Sarah niya nalaman ang tungkol dito.

“She didn’t tell me. I just found out online.

"’Tapos I asked her, ’Uy, you’re doing ’The Glow.’

"Sabi niya, yeah, and nahihiya nga siya. She’s very humble.

“Ayun, natutuwa ako, and sabi ko nga sa kanya, ’Dapat you’re very proud of it, dapat you tell me, ’di ba?’

“Masaya ako, I’m happy for her.”

Watch: Sarah Geronimo’s "The Glow" music video



BLIND ITEMS. Samantala, pinabulaanan ni Matteo ang blind item tungkol sa isang celebrity na diumano’y naka-prepaid pa rin daw dahil nililimitahan ng nanay sa pagtawag gamit ang cell phone.

Ang pinatutungkulan daw ng nasabing blind item ay si Sarah.

“I don’t think so!” natatawang sabi ni Matteo tungkol dito.

Dagdag niya, “Wrong blind item, hindi kami ’yon. That’s not true.”

Sinabi rin niyang hindi sila pinagbabawalan ng mga magulang ni Sarah na mag-usap sa pamamagitan ng kani-kanilang cell phones.

“If it’s true, I’ll say it’s true. But no, it’s not true. Hindi ’yon totoo,” diin pa ni Matteo.

Bagamat madalas na naiintriga at nagiging laman ng blind item, hindi naman daw nito naaapektuhan ang relasyon nina Matteo at Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng aktor, “They can make blind items. If it’s true, maaapektuhan tayo. If it’s not, e, di wala.”

Hindi rin daw napag-uusapan nina Matteo at Sarah ang tungkol sa mga intriga.

“There’s more positive people who love to inspire us to have a stronger relationship, ’di ba?

“Mas maraming positibo kaysa negatibo. So, it’s always good vibes,” sabi ni Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN