Daniel Matsunaga denies involvement with non-showbiz girl

“This kind of chismis is always gonna happen, ’di ba? It’s part of showbiz and I have to go with it,” says Daniel Matsunaga shrugging off rumors saying he has had casual encounter with a non-showbiz girl.


Tinawanan na lamang ni Daniel Matsunaga ang intrigang lumabas kamakailan tungkol sa isang babaeng nagsasabing naka-one night stand niya ang model-actor.

“Hindi po totoo,” paulit-ulit na sinabi ni Daniel nang tanungin siya ng entertainment reporters tungkol dito sa press conference ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na Shake, Rattle and Roll XV kahapon, December 9.

Ayon sa lumabas na bali-balita sa Internet, ginagawang dahilan umano ng boyfriend ng babae ang pagkikita nila ni Daniel. Kaugnay nito, inamin ng babae sa isang Facebook post na naka-one night stand niya ang Pinoy Big Brother All In winner.

May mga larawan pa siyang inilabas kung saan kasama niya si Daniel.

Pero mariing itinanggi ni Daniel na personal niyang kilala ang babae.

Sabi niya, “Siyempre, I take pictures with thousands of people.

“Maybe she’s just part of the same people around clubs and everything.

“This kind of chismis is always gonna happen, ’di ba? It’s part of showbiz and I have to go with it.”


NOT AFFECTED. Sa kabila ng ganitong klase ng intriga, siniguro ni Daniel na hindi magbabago ang pakikitungo niya sa mga taong gustong magpakuha ng litrato kasama siya.

“I’m always gonna be Daniel Matsunaga,” sabi ng Brazilian-Japanese model turned actor.

“If people ask me to take picture with them, I will never say no.

“I will never say no, okay lang sa akin, never arte kasi they’re the ones who put me where I am today.

“And because of their support and everything they have done for me.

“For me, it’s just the way of giving it back to them.

“I’m very happy and I would never say no to a picture.”

Kung sakali, papayag pa rin siyang magpa-picture sa babaeng nagsasabing naka-one night stand siya?

“Okay lang if I take picture with her. I will take a picture with everybody!” natatawang sagot ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN