JC de Vera visits GMA Network after three years

The one thing JC de Vera is grateful about his new teleserye is the opportunity to work with veteran actors Richard Gomez and Dawn Zulueta, "Isang malaking karangalan sa akin ang makatrabaho sila kasi alam ko na marami akong matututunan sa kanila pagdating sa pag arte.”


After three years ay muling tumuntong si JC de Vera sa kanyang orihinal na tahanan, ang GMA Network, kung saan nag-guest siya sa Walang Tulugan With the Master Showman ni German "Kuya Germs" Moreno.

Nag-promote ito ng kanyang pelikulang Shake, Rattle & Roll XV, na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Saad ni JC, “Iba yung pakiramdam na nakatungtong ako muli sa GMA-7 kung saan ako nagsimula.

"Sobrang saya ko, nakaka-misss.

“Masaya kasi nakita ko ulit yung mga dati kong mga nakatrabaho, yung mga staff ng GMA.

"Ako naman kasi never ko namang nakalimutan yung nga taong kasa-kasama ko nung nagsisimula pa lang ako, like si Tito Germs naging mentor din siya sa akin.

"It’s really good to see old faces, nakaka-miss talaga yung mga tao.

“Same pa rin naman yung treatment nila sa akin, wala namang nabago.

"And they were all happy to see me at ganun din naman ang nararamdaman ko.”

May nagbiro bang bumalik na siya sa GMA?

"Wala naman, alam naman nila na happy ako sa ABS-CBN,” sagot ni JC.

LATEST SOAP. Samantala, sisimulan na raw ni JC ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN, na pagbididahan din nina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Assunta de Rossi, Sam Concepcion, at Jessy Mendiola.

Kuwento niya, “Iba yung role ko dito. First time ko maka-experience ng ganitong klaseng role na medyo heavy.

“Same age yung character ko dito, very chalenging siya, mahirap ,kaya dapat nila itong abangan at panoorin.

"Masaya ako at nakakagawa ako ng mga ganung klaseng role.

“Isang magandang opportunity ito sa akin na mas lawakan pa ang kaalaman ko sa pag-arte sa mga role at proyektong ibinibigay sa akin ng ABS-CBN.

"Yung nga role na first time ko pa lang gagawin at gagampanan.

"Yung soap namin, tungkol siya sa dalawang family na magkaaway, magkakaroon ng maraming conflict.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatrabaho na raw ni JC si Richard dati at first time naman niyang makakasama si Dawn.

"Isang malaking karangalan sa akin ang makatrabaho sila kasi alam ko na marami akong matututunan sa kanila pagdating sa pag arte,” saad niya.

MOVIES. Sa Shake Rattle & Roll XV ng Regal Entertainment ay makakasama ni JC si Erich Gonzales sa “Ahas” episode.

Makakasama naman niya sina Gerald Anderson at Julia Montes sa horror flick na Halik sa Hangin.

Pahayag ni JC, "Any role, puwede sa akin, ang mahalaga talaga may trabaho ako.

"Naniniwala naman kasi ako sa ABS-CBN na hindi ka nila pababayaan.

"Continuous yung pagbibigay nila sa akin ng magagandang proyekto, mga challenging roles na first time ko lang gagampanan.

"Kaya sa bawat proyektong ibinibigay nila sa akin, may bago akong natututunan pagdating sa pag-arte. Laging iba ito sa naunang ginagawa ko.

"Siguro napapansin nila na hardworker ako kaya nabibigyan nila ako ng magagandang proyekto.

"Ako naman kasi, once na nabigyan ng trabaho, ibinibigay ko ang puso ko at 100 percent para mapaganda ang trabaho ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN