Kris Aquino has nothing more to ask for except lovelife: "Hindi naman puwedeng ipagsigawan pa."

Kris Aquino on her "solid" friendship with Vice Ganda: "Kasi, he was there at my lowest. Noong nagpapa-annul, nagpapahiwalay… kasi, ‘di ba, you’re lonely talaga? Noong time na yun, hindi pa nagsu-showing, magsu-showing pa lang ang Petrang Kabayo. Nag-start kami na hindi pa siya as huge as he is, and yun, every time na sad ako, sasamahan niya akong manood ng sine, kain sa labas. Kapag tinawagan ko, makikinig lang.&quo


Bagamat wala nang mahihiling pa si Kris Aquino pagdating sa kanyang showbiz career, aminado ang Kapamilya TV host-actress na may kulang pa rin sa buhay niya ngayon.

Sabi nga niya, “Alam mo, wala na akong mahihiling pa.

“Kasi, hindi raw puwedeng maibigay ang lahat sa ‘yo nang sabay-sabay.

“So, alam niyo namang lahat kung ano ang kulang sa buhay ko.”

Obvious naman daw na lovelife lang ang kulang sa buhay niya ngayon.

Pero sabi rin ni Kris, “Hindi naman puwedeng ipagsigawan pa.

“Pero siguro naman, darating din ang time na hindi na ganito ang trabaho ko, baka puwede na pagtuunan ko na ng panahon ang pag-ibig.”

Sa presscon ng pelikula niyang Feng Shui 2 kahapon, December 10, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, marami ang nakapansing iba ang ganda at “glow” niya.

Reaksiyon niya ditto, “Wala lang, siguro kasi may contentment talaga ako.”

Kuntento siya sa lahat ng aspeto ng buhay niya?

“I’m so afraid to answer that. Basta, okey na ang life.”

May nagbibigay ng inspirasyon sa kanya ngayon?

Tugon ni Kris, “Next year, magsu-shooting pa ako. Tapusin ko muna ang lahat.

“Wala akong sine-set aside.

“Siguro kung meron na, yun yung hindi ko na kailangan mag-presscon.”


STAGE MOTHER. Isa sa kalabang entries ng Feng Shui 2 sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ay ang The Amazing Praybeyt Benjamin, na pinagbibidahan ng kaibigan ni Kris na si Vice Ganda.

Kasama rin sa pelikula ni Vice ang anak ni Kris na si Bimby Aquino Yap.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Vice na “stage mother” daw si Kris sa shooting ng pelikula ng anak. Totoo ba yun?

“He’s correct!” natatawang pag-amin ni Kris.

“Umaamin naman talaga ako na ano ako… stage mother talaga ako.

“I only missed… sa shooting days niya, I only missed three shooting days.

"Because those days, nagsu-shoot ako, and today, nandito ako [sa presscon].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As much as possible talaga, inayos nila ang schedule that I could be there.

“Yes, I really am a stage mother and, yes, nakialam talaga ako.”

Bakit ngayon, parang okey lang sa kanya na hindi mag-number one sa box-office at tila ipinauubaya niya ito kay Vice at sa anak na si Bimby?

Sabi ni Kris, “Well, we know our costs, we know our breakeven.

“So, yun lang ang pinagpi-pray ko—madoble ang inilabas naming tatlo [her co-producers].

“Kasi, kahiyaan ‘to, baka mapaabono ako sa kanilang dalawa.

“So, simpleng-simple ang dinasal ko. Monday [December 8], ‘di ba, Immaculate Conception?

"So ang idinasal ko, ‘I’m not gonna greedy, Mama Mary, kung ibibigay mo lang talaga through your intercession, sana huwag lang akong mapahiya sa mga partners ko. At sana, yung buong puso nilang shinare sa akin, please God, maibalik ko sa kanila ng times two para hindi ako mapahiya.’”

Bakit sila ganito ka-solid ni Vice?

Paliwanag ni Kris, “Kasi, he was there at my lowest.

“Noong nagpapa-annul, nagpapahiwalay… kasi, ‘di ba, you’re lonely talaga?

“Noong time na yun, hindi pa nagsu-showing, magsu-showing pa lang ang Petrang Kabayo.

“Nag-start kami na hindi pa siya as huge as he is, and yun, every time na sad ako, sasamahan niya akong manood ng sine, kain sa labas.

“Kapag tinawagan ko, makikinig lang.

“Ang dami na naming pinagdaanan together, pero may sense of humor kami na napagtatawanan namin ang isa’t isa.

“At yung wake-up call, nagagawa namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN