Kris Aquino squeals about Coco Martin’s ’visitors’ on the set of Feng Shui 2

Kuwento ni Kris Aquino tungkol sa co-star niyang si Coco Martin, “Mapapansin mo yun, ‘di ba? Kapag sinisilip ang phone ng two in the morning. Akala niya hindi ko napapansin. E, napapansin ko. Yun lang, ‘di ba? E, di good, nai-inspire siya. Hindi ko alam kung isa o dalawa o tatlo o apat ang tini-text niya. I don’t know. ’Tapos, meron siyang tumatawag din nang late, ‘tapos sinasagot niya!"


Naging palaisipan sa entertainment press ang naging mga pahayag ni Kris Aquino tungkol sa kanyang lovelife sa presscon ng Feng Shui 2 kahapon, December 10, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Sinabi kasi si Kris na baka sa isang taon na lang niya pagtuunan ng pansin ang kanyang lovelife, pagkatapos ng mga trabaho niya.

Ang dating, tila may naghihintay sa kanya na hindi niya lang naikukuwento sa press.

“Did I say na ipagpapaliban ko next year?” balik-tanong naman ng tinaguriang Queen of All Media nang usisain tungkol sa kanyang naging pahayag.

Paliwanag pa niya, “Ipagpapaliban ko habang nagsu-shooting ako.

“No, actually, I think it will come…

“Okay, papaano ko ba sasagutin ‘yan na hindi ako masyadong feeling-feelingera?

“Ang hirap, ha, parang… kasi si Bimby [her son], okay, sabi niya, ‘Whatever will make you happy, Mama, I’m cool with it. Anyway, my Papa [James Yap] is already happy.’

“So, siguro ano lang talaga, kung sinasabi nila na if that is happy, one of the things that will make you happy right now, iisantabi mo muna.

“So, kapag handa na ako na isantabi yung ibang portion ng buhay ko.

“Okey lang naman, kung nandiyan, nandiyan.”

Magiging bukas siya kung dumating ang lovelife niya?

“I’m hoping na dumating siya kapag hindi na ito ang trabaho ko,” sabi ni Kris.

So, hindi pa pala sa isang taon yun?

“Malapit na siya,” mabilis namang sagot niya.

“Kapag maraming-marami na akong franchise… hindi, totoo.

“Kasi, I promised my son this.

“It’s not easy to be a working single mother and yung mga things na parang they deserve, kasi seven [years old] na si Bimb, sabi nga niya, sana walang double digit.

“Ayokong dumating ang time na yun na na-feel niya and, later, maglu-look back na ang dami niyang na-miss from me as a mother because I’m so busy with my career.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa ba talagang naghihintay sa kanya?

“Ano ba ‘yan… ayoko talagang sagutin! Sorry talaga, ha.

“I’ve learned talaga and ano... siguro it won’t benefit a development of a good relationship if you guys find out about it.

“I’ll take my cue from Rodel [Coco Martin]. At least siya, happy kaya.”

Si Coco ay co-star ni Kris sa 2014 Metro Manila Film Festival entry na Feng Shui.


COCO MARTIN’S LOVELIFE. Dahil sa sinabi ni Kris ay natuon ang usapan sa “lovelife” ni Coco.

Wala namang halos nagawa si Coco. Natawa na lang at naging “speechless” ang aktor sa pambubuko ni Kris sa kanya.

Pagdating sa lovelife, ayon kay Kris, secretive lang si Coco.

Saad pa ng TV host-actress, “Mapapansin mo yun, ‘di ba? Kapag sinisilip ang phone ng two in the morning.

“Akala niya hindi ko napapansin. E, napapansin ko.

“Yun lang, ‘di ba? E, di good, nai-inspire siya.

“Hindi ko alam kung isa o dalawa o tatlo o apat ang tini-text niya. I don’t know.

“’Tapos, meron siyang tumatawag din nang late, ‘tapos sinasagot niya!"

Itinanggi naman ni Coco ang mga naging pahayag ni Kris.

Pero natatawang hirit ni Kris, “At least, mukha siyang happy, ‘di ba? By lying to you, he’s happy!”

Dagdag pa niya, “Talaga, yun ang natutunan ko this year, lesson learned talaga, don’t tell the truth, keep it to ourselves.”

Hindi naman umamin si Coco na may mga ka-text siya tuwing madaling-araw, at mas lalong naging tikom ang bibig nito nang sabihin ni Kris na may dumadalaw sa kanya sa shooting nila.

Pambubuko ni Kris, “May dumalaw! Nakita ko.

“Remember that girl, she didin’t say ‘Hi!’ to me. All the way in Antipolo.

“Yung big boobs, pero hindi nag-‘Hi!’ sa akin.”

Sabi naman ni Coco, ito raw yung anak ni Rez Cortez na si Cai Cortez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buwelta naman ni Kris, “Hello! Ang tagal nang nakaalis ni Kuya Rez noong time na yun.”

Dugtong pa niya, “Alam mo, ganoon talaga, minsan mapapansin mo, ‘di ba, kung innocent, mapapansin mo.

“’Hi po…’ yung ganoon talaga. Yung innocent, ‘tapos walang sinabi.

“And it was in Antipolo. It was so cold and naka-tank top.”

Maganda ba?

“Attractive naman, pero I’m sure, hindi siya.”

Sabi pa ni Kris kay Coco, “’Di ba, hindi mo ipinakilala sa akin?

“’Tapos may another one, akala mo hindi ko napansin. Doon sa holding area.


“‘Di ba, may mga tents, hiwalay ang tent niya, hiwalay ang akin.

“Alam ko rin, noong pinapatawag ko siya, sinabi, ‘May kasama po. May dumalaw.’

“So, two different girls, pero hindi niya ipinakilala.”

COCO IS READY TO SETTLE DOWN. Malihim lang ba talaga si Coco pagdating sa lovelife?

Ayon kay Kris, “Hindi, kasi he said talaga, he wants someone na…

“Alam mo, sinasabi ko na advantageous kung pareho kayong artista. Hindi kukuwestyunin ang oras na ‘to, magiging supportive.

“Sabi ko, ‘Di ba, ikaw ang Brad Pitt? So, dapat Angelina [Jolie] level para exciting.’

“’Tapos, sinabi niya na gusto raw talaga niya ng tahimik.

“Pero sinabi rin niya na ang pagse-settle down, anywhere from five to seven years from now.

“’Tapos sabi ko, ‘You’ll be too old. You wanna be able to play with your son. Okey na ang three years.’

“I think, mas liquid si Coco kesa sa akin. Ganoon karami ang cash niya.”

Dugtong pa niya, “Idol ko siya. Ang galing niya talaga sa pagba-budget ng household expenses.

“You know naman, four in the morning, lahat napag-uusapan niyo na.

“Magkano ang kuryente niyo? Magkano ang tubig niyo? Magkano ang pamalengke?

“Ang galing niya, kasi disiplinado silang lahat.

“’Tapos, noong sinabi niya sa akin na meron talagang portion na hindi nagalaw, sabi ko, ‘Oh, my god, you can get married!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yun nga lang, itinatanggi ni Coco ang naging pahayag ni Kris tungkol sa dumadalaw sa kanya.

Natatawang sabi naman ni Kris, “Hayaan niyo na siya.

“Siyempre, normally ipapakilala mo. Ako, lahat ng friends na dumadalaw, ipinapakilala ko sa kanya.

“Siya, walang names ang dumadalaw sa kanya.

“Kasi, alam na alam niyang may presscon ngayon, kaya sabi niya, ‘Huwag kong sabihin ang names nila.’

“Pero ang common denominator, they have all like you," sabay turo ni Kris sa reporter ng TV Patrol na si Gretchen Fullido.

Natatawang sabi pa ni Kris, “Alam niyo na kung ano ang type ni Coco!”

POSSIBILITIES. May pagkakataon bang naisip ni Kris na puwede kayang maging sila ni Coco, romantically?

“Gusto ko ng old,” mabilis na sagot ni Kris.

“I’ve tried… ka-age niya si James [Yap, her ex-husband]. Didn’t work, ‘di ba?

“Huwag namang old na old. Ka-age or older. Klaruhin ko na lang yun.”

Masaya naman siya ngayon pagdating sa aspeto ng puso niya, para kasing may naghihintay lang talaga sa tabi-tabi.

Nakangiting sabi niya, “Oo… kasi it’s nice na lahat ng bagay, sa tamang panahon?

“So, kung may mga legalities na inaayos, I went through that, ayoko naman ng ganun.

“I think yung ano also, you know, when the time is right.”

Mainit ang Pasko niya ngayon?

“Malamig pa rin, alam mo na, kapag may sabihin ako sa inyo, tama yun, e.

“Sinabi sa akin ni Tom Rodriguez noong nagsu-shooting, once daw na may sabihin kang happy ka, lahat daw hihintayin na maging unhappy ka and all.”

Parang hindi naman, komento namin.

Pero giit ni Kris, “Oo, totoo yun. Kaya siya [Tom], hindi siya umaamin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN