Nico Bolzico on engagement to Solenn Heussaff: “Forever makes sense now.”

Bago ang kanilang engagement nitong Miyerkules, nag-live in muna ng ilang taon si Solenn Heussaff at ngayon ay fiancé niyang si Nico Bolzico.


Nag-post ng larawan sa Instagram ang fiancé ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico matapos maiulat ang kanilang engagement kahapon December 10.

Read: Solenn Heussaff is now engaged to live-in partner Nico Bolzico

Dakong hatinggabi ng December 10, Huwebes, nag-post sa kanyang Instagram account si Nico ng larawan nila ng Filipino-French actress at may caption na “Forever makes sense now.”

Pagdating sa comments, sinagot ito ni Solenn ng “Te amo bebe,” Spanish ng “I love you, baby.”

Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa sa nasabing Instagram post, kabilang na rito sina Anne Curtis at Michelle Madrigal.

Komento ni Michelle: “Soooo happy for you and Sos [tawag kay Solenn]!!! She told me this am. Congrats amigo.”

Bago nangyari ang kanilang engagement, dalawang taon munang nag-live-in sina Solenn at Nico.

Sa episode ng Aquino and Abunda Tonight noong April 2014, nang mag-guest si Solenn, sinabi ng aktres na pinayuhan siya ng kanyang ama na si Louie Paul Heussaff pagdating sa karelasyon.

"Na dapat, to know someone perfectly you have to live with them before marrying the person,” sabi ng Kapuso star.

Dugtong pa niya, “Kasi iba yung tao kapag nasa bahay. Behind closed doors baka baliw siya, baka iba yung personality niya. Kailangan ma-try.”

Forever makes sense now!! 💍@solennhuessaff

A photo posted by Nico Bolzico (@nicobolzicco) onDec 12, 2014 at 7:28am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN