Isabelle Daza on being a Kapamilya: "You can’t make arte there, parang kailangan work is work."

Ayon kay Isabelle Daza, “very welcoming” ang kanyang mga bagong nakakasama sa ABS-CBN kaya hindi raw siya nakakaramdam na naa-out of place siya.


Ilang linggo matapos pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN, muling tumapak sa bakuran ng GMA Network ang dating Kapuso na si Isabelle Daza.

Sa 17th floor ng GMA Network Center kasi ginanap ang presscon ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2 kahapon, December 11.

Isa si Isabelle sa cast members ng naturang pelikula na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Kaya naman isa sa mga nausisa kay Isabelle ay ang kanyang naramdaman sa pagbabalik sa dati niyang tahanan.

Noong lamang November 24 pumirma ang actress-TV host ng kontrata sa ABS-CBN matapos ang ilang taon nito bilang Kapuso.

Read: Isabelle Daza signs contract with ABS-CBN

Natatawang sagot niya, “I know, right?

“Well, it’s nice to be back and to see siyempre Miss Anette Gozon [GMA Films president], she’s very, very kind to me.

"And this room, very, very... parang kailan lang. Yun na. Parang kailan lang."


NEW MILESTONES. Sa paglipat niya sa Kapamilya Network, may mga gusto raw gawin si Isabelle bukod sa paghu-host sa TV.

Love pa rin naman daw niya ang hosting, pero gusto niyang subukan ang ibang mga aspeto ng kanyang karera ’tulad ng pag-arte.

Sa paglipat niya sa ABS-CBN, makakasama si Isabelle sa bagong teleserye na Nathaniel sina Gerald Anderson at Shaina Magdayao.

Aniya, “Sobrang iba, kasi it’s parang... bago kami mag-taping, kailangan kong mag-workshop.

"So, parang sa workshop pa lang, kailangan na namin ni Gerald mag-get to know each other.

"Parang yung scenes namin, may mga halikan factor.

"Hindi ko pa siya kilala, so kailangang ma-break [yung wall]."

Halikan agad? tanong ng media na nag-interview sa kanya.

Natatawang sagot ni Isabelle, “Halikan agad!

"But I think, dun sa ABS, work is work. Hindi mo inisip yung, ‘Oh, my gosh, I don’t want!’ or yung pagkaarte, you know?

“You can’t make arte there, parang kailangan work is work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dun sa workshop, kailangan yun. Dapat mo gawin.

“So, talagang na-culture shock ako... not naman culture shock, pero shocked ako.

"And then, after, I realized na, ‘Okay, ganito pala dito.’”

“Very welcoming” naman daw ang kanyang mga bagong kasamahan sa ABS-CBN kaya, “You don’t feel out of place.”


SOLENN-NICO ENGAGEMENT. Samantala, ang boyfriend ni Isabelle na si Adrien Semblat ang nag-anunsiyo sa Instagram account nito tungkol sa engagement ng mga kaibigang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Si Isabelle naman ay nag-post din sa kanyang Instagram account tungkol sa pag-ibig, kalakip ang larawan nila ng mga kaibigang sina Anne Curtis, Georgina Wilson, at Carla Humphries.

Read: Solenn Heussaff is now engaged to live-in partner Nico Bolzico

Sa presscon ng Kubot kahapon, hiningan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kaunting detalye tungkol sa engagement nina Solenn at Nico.

Halata mang may kilig sa tono ng kanyang pananalita, atubili pa rin itong magbigay ng mahabang detalye.

Saad ni Isabelle, “Ay, nakakaloka! Yes. Yun na yun, exclusive.

"Siyempre, Solenn is very private, so gusto niya intimate wedding, lahat intimate."

Sa mga unang panayam sa Filipina-French actress-TV host, sinabi nitong wala pa sa isip nila ng nobyo na magpakasal kahit aminado na ang dalawa na nagli-live in na sila.

Ayon naman kay Isabelle, “But I don’t think, I don’t think… I’m not sure if next year na sila or next, next year [ikakasal], ‘di pa sila sure.

"They’re still deciding on it. They just got engaged.

"It’s a year of engagement ‘di ba, ang dami?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN