Rachelle Ann Go and Miss Saigon co-star Dale Evans exchange sweet messages on Twitter

Rachelle Ann Go and her Miss Saigon co-actor Dale Evans post mirror selfie on Twitter. The Welsh actor tells the Pinay singer-actress "mahal kita" on his posts.


Kinilig ang ilang followers ni Rachelle Ann Go nang i-retweet niya ang larawang na-post ng kanyang Miss Saigon co-star na si Dale Evans.

Makikita sa larawan si Dale na kumuha ng mirror selfie kasama si Rachelle Ann at may caption itong: “Me and my mahal @gorachelleann. #shindale.”

Ibinahagi naman ito ni Rachelle Ann sa kanyang Twitter account at sinabing, “I think you are wearing my Christmas tree hahaha!cari ti!

Ang “cari ti” sa salitang Welsh ay “love you.”

Sinagot naman ito ni Dale ng: “it [suits] me no? Mahal kita x.”

Si Rachelle Ann ay gumaganap ngayon bilang Gigi sa Miss Saigon sa West End, London. Samantalang si Dale ay isa sa ensemble actors ng revival ng popular musical.

Sa nakaraang panayam kay Rachelle, sinabi niyang araw-araw siyang tinuturuan ng Welsh ni Dave, habang siya ay nagtuturo naman sa kanya ng Tagalog.

Samantala, sa panayam naman ng PEP contributor na si Allan Diones kay Rachelle Ann sa London, inamin ng singer-actress na maraming nanliligaw sa kanya ngunit wala pa raw sa plano niya ang magka-boyfriend.

“Ine-enjoy-enjoy ko lang muna,” sabi ni Rachelle Ann.

Read: Rachelle Ann Go laughs off report that she has a boyfriend in London


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN