Mike Tan describes awkward moment with present girlfriend and ex-girlfriend LJ Reyes

Apparently a one-woman man, Mike Tan kept his eight-year relationship with non-showbiz girlfriend smooth despite his work. “Open kami sa lahat ng bagay na hindi niya unang malalaman sa Internet o sa diyaryo. Una niyang malalaman sa akin, hindi sa ibang tao.”


Walong taon na ang relasyon ni Mike Tan sa kanyang non-showbiz girlfriend at maayos naman daw sila.

Sa palagay niya, papunta na sila sa kasalan?

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Tingin ko, ako naman, bago ako magpunta sa isang relasyon or makikipagrelasyon ako, doon din ang punta ko.

“Hindi naman ako yung taong nakikipagrelasyon dahil lang gustong magka-girlfriend.

“Ayoko ng nakikipaglaro lang.”

Natawa si Mike sa comment na baka naman secretly married na pala sila ng girlfriend niya.

“Hindi, hindi… wala pa. Takot pa kaming parehas.

“At marami pa kaming gustong marating sa mga buhay namin.

“Pero sabi rin naman namin, palagi kaming open na posibleng hindi kaming dalawa.”

Napag-uusapan nila na posibleng mangyari yun?

“Oo, sabi namin, if it’s God’s will, it’s God’s will.”

TRUSTWORTHY. Madalas na selosan ang nagiging dahilan ng showbiz at non-showbiz relationship. Hindi ba selosa ang girlfriend niya?

“I make sure na hindi siya magseselos.

“Ipinapaliwanag ko sa kanya, sinasabi ko sa kanya bago ko pa gawin.

“Kasi doon mabubuo ang trust niyo sa isa’t isa.

“Siyempre, meron din na hindi pagkakaunawaan lalo na sa isang relasyon.

“Imposible rin naman sa ’tulad nga ng ganitong matagal na relasyon na hindi magseselos o walang selosan.”

Paano niya nabibigyan ng kumpiyansa ang kanyang girlfriend bilang siya ang artista?

Ayon kay Mike, “I always talk to her, tuwing may trabaho, kung sino ang makaka-partner ko.

“Open kami sa lahat ng bagay na hindi niya unang malalaman sa Internet o sa diyaryo.

“Una niyang malalaman sa akin, hindi sa ibang tao.”


LJ REYES. Ang girlfriend ni Mike ngayon ang sumunod niyang nakarelasyon matapos nilang mag-break ng kanyang StarStruck batchmate na si LJ Reyes nine years ago.

Hindi nagiging dahilan si LJ ng mga selosan ng girlfriend niya ngayon?

“Siguro noong mga immature kami, saka bago pa ang relasyon!” natawang pag-amin ni Mike.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “At saka, hindi siya masyadong maka-relate sa ganoong bagay, yung sa may ex, kasi ako nga ang first boyfriend niya.”

Ngayong nagkakasama sila ni LJ sa trabaho, tila bumalik ang closeness nilang dalawa. Hindi ba ito nagiging isyu sa girlfriend niya?

“Wala naman, kasi sinasabi ko rin naman kung ano ang nangyayari.”

Natawa naman si Mike sa tanong namin kung nagkakilala na ang dalawang babaeng naugnay sa buhay niya.

Yun pala, kamakailan lang nangyari ang insidenteng yun at siya raw ang nailang.

“Napagkilala ko sila sa Shangri-La siguro around three months ago.

“Okey naman, nagkakilala naman sila, nagkamayan. Mas ako ang natulala!” natawa niyang sabi.

Paano nangyari, kinabahan siya?

“Hindi ko alam kung paano siya ia-approach, noong makasalubong ko si LJ na kasama ko si Cris [girlfriend ni Mike].

“Parang ako ang nailang kasi iisa lang naman ang ex ko at iisa lang naman ang present girlfriend ko.

“So, first experience ko na maka-experience ako ng ganun.

“Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

“At some point, humina ang boses ko kasi ngumiti sa akin si LJ. Hindi ko alam kung tatawagin ko.

“By the time na nakalagpas na ’tsaka ko lang natawag si LJ!

“Pagkatapos naman nun, ipinakilala ko sila sa isa’t isa.

“Nagkamayan naman sila. End of story.

“Pero after nun, parang mas tulala pa rin ako at, actually, pinagtatawanan ako ng girlfriend ko.”

First love pala niya si LJ. Naniniwala ba siya sa kasabihang "first love never dies"?

“Kung totoo pala yun, paano pala na tayo?” natawang sagot ni Mike.

Dagdag niya, “Siguro ako, nirerepesto ko kung ano ang mararamdaman ni Cris.

“Kami ni LJ, magkaibigan na kami.

“Pero siyempre, nandoon pa rin ang care mo sa dati mong karelasyon.

“At sa tingin ko, hindi na mawawala yun kasi naging part siya ng buhay mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN