Dingdong Dantes evades questions about politics

Nakatuon pa ang isip ni Dingdong Dantes sa nalalapit nilang kasal ni Marian Rivera at sa promotion ng kanyang MMFF 2014 entry na Kubot: The Aswang Chronicles, kaya pass daw muna siya sa usaping pulitika.


Matagal nang bulung-bulungan na diumano’y papalaot na sa pulitika ang GMA Primetime King na si Dingdong Dantes.

Pero sa bawat panayam sa kanya, umiiwas ang aktor na pag-usapan ito dahil wala pa raw ito sa kanyang isipan.

Sa latest Pulse Asia survey, nakakuha si Dingdong ng 11.1 percent share of votes sa senatoriables na maaring tatakbo sa 2016 Presidential elections.

Pero natawa lang ang Kapuso actor nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Aniya, “If you ask me right now, I really don’t have any plans.

“Sa ngayon po talaga, ang concentration ko talaga is to build my family.

"And sa sobrang dami pong ginagawa sa Yes Pinoy Foundation at sa National Youth Commission, dun pa lang sa trabaho ko, madami na talaga."

Si Dingdong ay nakatakdang ikasal kay Marian Rivera sa December 30.

Nakausap ng PEP at iba pang media si Dingdong sa grand presscon ng Kubot: The Aswang Chronicles na ginanap kahapon, December 11, sa GMA Network Center, Quezon City.

Read: Grace Poe climbs, Jejomar Binay slides in latest Presidential poll

THE KUBOT ADVANTAGE. Mas ipinagmamalaki ni Dingdong ang Kubot dahil kahit mahirap daw itong gawin, nakikita raw nilang maganda ang naging resulta nito.

Kaya, as early as now, pinag-iisipan na raw nila ang Part 3 ng naturang aswang franchise.

Sa MMFF 2014 entries, tatlo ang maglalaban-laban sa takilya pagdating sa horror genre.

Bukod sa Kubot, nariyan ang Kris Aquino-Coco Martin starrer na Feng Shui 2, at ang Shake, Rattle & Roll XV.

Ano ang advantage ng pelikula nila sa ibang horror entries?

Saad ni Dingdong, “Well kasi, we consider ours more of a crossover ng horror, comedy, and adventure, e, na may action din.

“It’s a little bit of everything.

"Kasi nakita namin yung strength nung una [Tiktik: The Aswang Chronicles], horror and comedy.

“Yung iba naman, in respect to their material, straight horror sila, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kami, meron kaming variety.”

Bukod kay Dingdong, makakasama niya sa pelikula sina Isabelle Daza, KC Montero, Joey Marquez, Lotlot de Leon, Elizabeth Oropesa, Hannah Ledesma, Jun Sabayton, Julie Anne San Jose, Abra, at Ramon Bautista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN