Kean Cipriano thankful to be given projects by different TV networks

Ayaw ni Kean Cipriano na sabihing pagbabalik sa TV5 ang kanyang muling paggawa ng proyekto sa Kapatid network. Nagpapasalamat daw ang singer-actor na nakakaikot siya sa lahat ng major TV networks sa bansa.


Balik-TV5 si Kean Cipriano matapos ang ilang taong pamamalagi niya sa ABS-CBN bilang mainstay ng ASAP 19 at Banana Split.

Nagsimula ang acting career ni Kean sa TV5 apat na taon na ang nakararaan sa teen series na BFGF, kasama ang dating TV5 Princess na si Alex Gonzaga na ngayon ay nasa Kapamilya network ulit.

Bibida ang singer-actor sa Wattpad Presents: Game of Love kasama ang homegrown talents ng istasyon na sina Nicole Estrada at Chanel Morales.

Bukod sa tatlo, makakasama rin nila ang GMA talent na si Pythos Ramirez.

Saad ng 27-year-old Callalily frontman, “Wala namang pagbabalik. I don’t believe that.

"I’m just really grateful dahil, kumbaga, I get to do projects with TV5, Channel 2 or Channel 7, Myx... alam mo yun?

"Kumbaga, natutuwa nga ako na yung buong art na ginagawa ko, I hope na nagta-transcend siya through time and medium.

“Masaya ako kasi ano, e, maganda yung project, e, alam mo yun>

"Pagka naman in-offer sa amin yung project, kahit ano pa ‘yan, kung naniniwala kami sa project, gagawin namin yun, e."

Na-miss ba niya ang pag-arte?

Sagot ni Kean, “Na-miss in the sense na I just really wanna do it.

"Pero kasi I’ve been doing indie films, so I’ve been acting quite often."

GAME OF LOVE. Ano ba ang role niya sa Game of Love?

Ayon kay Kean, “Role ko dito sa Game of Love, ako si Gab, ako yung introvert na part ng istorya.

"Ako nagnakaw ng halik kay Chanel Morales, na yung first kiss niya, ibibigay niya sa boyfriend niya, which is Phythos, si Zeke.

"’Tapos sa prom date namin, I stole the kiss, kasi akala ko siya yung babaeng gusto ko, which is si Nicole Estrada playing Mica.

“Nanakaw ko yung first kiss niya, parang that’s where the story begins.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ang Wattpad Presents: Game of Love simula sa Lunes, December 15, 9 P.M., sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN