Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon recounts how she almost landed a movie role in Hollywood

Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon recounts how she almost got the part in a Hollywood movie to be directed by Oscar-winning filmmakers Joel and Ethan Coen: “I didn’t get it, but I was so thrilled to have met the Coen brothers during the casting.”


Green card holder sa Amerika ang Miss Universe 2012 first runner-up na si Janine Tugonon.

Sa isang interview ng former beauty queen sa TFC (The Filipino Channel) Balitang Amerika, sinabi nito na siya mismo ang nag-petisyon sa kanyang sarili para magkaroon siya ng permanent residency status sa U.S.

Sa tulong ng discoverer, manager at mentor ni Janine na si Jonas Gaffud of Mercator Models, nakakuha ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng update tungkol sa estado ngayon ni Janine sa U.S. noong December 11.

“If you’re an artist, businessman, you can petition yourself," pahayag ni Janine.

“I said, I wanna go to the U.S. to do this, but you have to make sure you’re going to do that.

“I applied for a green card as an artist, as a model. Hence, I’ll be true to that.

“I’ll continue doing it and hope for the best. We’ll see how it goes,” aniya.

Pagkatapos niyang i-relinquish ang kanyang korona bilang Bb. Pilipinas-Universe noong 2013 ay lumipad agad sa Amerika si Janine para kumuha ng acting classes at masubukan ang maging model doon.

TOUGH COMPETITION. Inamin naman ni Janine na hindi naging madali ang paghahanap ng modelling jobs doon.

Kung dito raw ay mabilis siyang nakakakuha ng trabaho dahil celebrity ang status niya, sa U.S. ay ordinaryong working model daw ang trato sa kanya tulad ng iba roon.

“Actually, nung nag-apply ako for immigration, yun ang una kong sinabi.

“’Okay, I’m Miss Universe first runner-up,’ and they were like, ’Oh, so what?’” kuwento niya.

Sa mga casting calls para sa TV ads and commercials na pinupuntahan niya, marami raw siyang nakakasabay na iba’t ibang mga modelo at malaki ang kompetisyon.

May sariling agent si Janine sa U.S. para madali siyang makakuha ng modelling jobs sa pamamagitan ng casting calls and go-sees.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everytime I go to casting calls, ang dami talagang models.

“Minsan, hindi lang puro Asians, puro mga puti at Europeans. Ang gaganda nila at ang papayat,” paglalarawan ni Janine sa mga nakakasabay niya.

AD CAMPAIGNS. Pero sinuwerte nga si Janine nang mapili siya para gumawa ng isang ad para sa malaking U.S. retail company na WalMart at ang bangko na Wells Fargo.

“Before I got the Wells Fargo job, my gosh, it took me like, several casting calls.

“So far naman, I’ve been getting jobs which is a good thing.

“Kasi kung hindi, I have nothing to pay the rent which is gonna suck,” tawa pa niya.

MOVIE ROLE. Ang latest news kay Janine ay nakatanggap siya ng callback para sa isang movie role na ididirek ng Oscar-winning filmmakers na sina Joel and Ethan Coen.

Inamin ni Janine na dumaan na siya sa sampung audition at sinuwerte siyang makatanggap ng callback.

Pero sa kanyang update ay hindi nga nakuha si Janine sa role ng isang Chinese woman.

“I didn’t get it but I was so thrilled to have met the Coen brothers during the casting,” patuloy niya.

STAYING IN U.S. FOR GOOD. Wala nga raw planong bumalik ng Pilipinas si Janine dahil maayos naman daw ang mga nangyayari sa kanya sa Amerika.

“Unless there’s a job waiting for me in Manila, I will consider flying back, but only for a short time.

“But definitely, I am staying in the U.S. for good,” diin niya.

CONTROVERSIAL LOVELIFE. Bago umalis ng Pilipinas si Janine ay naging kontrobersyal ang lovelife niya.

Naghiwalay sila ng kanyang boyfriend na si Jaypee Santos.

“I can’t say we’re friends because we haven’t really talked.

“The last time I heard, he has a girlfriend or he’s married na yata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have no hard feelings. I know it was all my fault. I’m glad it happened because I wouldn’t be here. And I’m happy for him,” lahad niya.

Nangako si Janine na hindi na niya muling pag-uusapan sa media ang tungkol sa kanyang lovelife.

“I’ve become very secretive. I believe that my lovelife is not something [people should read] in the papers anymore,” pagtatapos ni Janine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN