(UPDATED) Manny Pacquiao reacts to Floyd Mayweather’s challenge: "Do it!"

Hinamon ng American boxer na si Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquiao sa isang laban sa 2015. "Now it’s time for us to talk. We want to fight. We’re ready. Let’s make it happen May 2nd, Mayweather versus Manny Pacquiao.”


Naghamon ng laban si American boxing champ Floyd Mayweather kay Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao sa 2015.

Sa panayam kay Mayweather noong Biyernes, December 12, sa US TV network na Showtime, sinabi nitong hinahamon niya sa isang laban ang Pinoy boxing champ sa May 2, 2015.

Marami sa mga laban ni Mayweather ay tumatapat sa May 2.

Bago ang hamon ni Mayweather, marami ang nag-akusa sa kanya ng pag-iwas na magkaroon sila ng boxing match ni Pacquiao sa ring sa kabila ng maugong na pagnanais ng boxing enthusiasts na makita silang maglaban.

Saad ni Mayweather, "Absolutely. I would love to fight Manny Pacquiao.

"We tried to make the fight happen years ago. We had problems with random blood and urine testing.

"Like I said, I just want to be on an even playing field."



Pasaring pa niya sa Pinoy boxer, "Now he’s in a very tight situation.

"He’s lost to [Juan Manuel] Marquez, he’s lost to [Timothy] Bradley, pay-per-view numbers are down extremely low, so he’s desperate.

"I’ve wanted that fight a long time ago. I’m just waiting on them."

Natalo si Pacquiao kay Marquez noong December 8, 2012, gayundin kay Bradley noong June 2012 via controversial decision, subalit nabawi ni Pacquaio ang panalo sa kanilang muling pagtatapat noong April 2014.

Hindi binanggit ni Mayweather sa kanyang panayam na pumayag noon si Pacquiao na magkaroon ng random test.

Sinabi rin ni Mayweather na hindi siya ang dahilan kung bakit hindi natutuloy ang laban nila ni Pacquiao, kundi ang promotor ni Pacman na si Bob Arum.



Pahayag pa ng American boxer, “Floyd Mayweather is not ducking or dodging any opponent. Bob Arum is stopping the fight.

"We have been trying to make this fight happen behind the scenes for years now, but the fans and the people have been fooled because they have been listening to people on just one side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Now it’s time for us to talk. We want to fight. We’re ready.

"Let’s make it happen May 2nd, Mayweather versus Manny Pacquiao.

"Let’s do it!



"I know that he’s [Pacquiao] not on my level. The fans would love to see the fight and, of course, I want to go out with a bang, so let’s make this fight happen.

"Manny Pacquiao, Bob Arum, you guys have been ducking us for years. We’re tired of you guys fooling the public, fooling the critics."

Samantala, isang hamon din ang sagot ni Pacquiao sa hamon ni Mayweather.

Isang tweet ni Abac Cordero, sportswriter ng The Philippine Star, ang nagtataglay ng reaksiyon ni Pacquiao sa hamon ng American bout-for-bout king.

“Mayweather wants @MannyPacquiao on May 2. Pacquiao reacts just a while ago, ’Gawin niya (Do it). Hindi puro salita (Not all talk). Sign.’"

UPDATE. Sa kanyang Instagram account (@emmanuelpacquiao) ay nag-post si Manny ng dalawang dahilan kung bakit gusto niyang makaharap si Mayweather sa boxing ring:


"1. My oldest son Jimuel. He asked me before my career is over to fight Floyd first. I don’t want my son to think of me as a coward.


"2. The Fans. It is what everyone wants. I am going to do everything in my power to make the fight happen.


"God Bless!!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN