Mark Herras not affected by negative issues after admitting that he’s a single dad

Bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang ika-28 kaarawan, nagbigay si Mark Herras ng kasiyahan at mga regalo sa mga iskolar ng Silong Tanglaw Foundation kahapon, December 14, sa Enchanted Kingdom.


Kahapon, Linggo, December 14, ang ika-28 na kaarawan ng tinaguriang "Bad Boy of the Dance Floor" na si Mark Herras.

Maliban sa mga simpleng selebrasyong gagawin niya kapiling ang kanyang pamilya at mga kaibigan, sinamahan muna ng Kapuso actor ang mga iskolar ng Silong Tanglaw Foundation para sa isang ride-all-you can tour sa Enchanted Kingdom kahapon din.

Pagkatapos ng kanyang live performance sa Sunday All Stars, dumiretso na si Mark sa Sta. Rosa, Laguna, para ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang mga bata ng Silong Tanglaw Foundation.

Ano naman kaya ang wish ni Mark sa kanyang kaarawan?

Tugon ng kauna-unahang StarStruck male winner, “Siguro para sa sarili ko, ang wish ko ay more blessings, more projects, less problema.

“Siyempre good health for my baby, and sana lumaki siyang maayos.

"Pero huwag masyado mabilis, kasi mabilis siyang lumalaki, and yun lang naman.

“And ako, ganun pa rin naman. Sana makasama ko yung family ko habang buhay, sana ganun pa rin.”

Nami-miss din daw niya ngayong kaarawan ang kanyang ama na pumanaw noong 2013.

MARK’S DAUGHTER. Kasama ni Mark sa Enchanted Kingdomg kahapon ang kanyang anak na si Ada, kung saan nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gaano ka-sweet ang aktor sa kanyang anak.

Pinayagan din niya kaming makuhanan silang mag-ama at maipakita sa publiko ang larawan ni Ada.



Pebrero nitong taon, inamin ni Mark na mayroon na siyang anak sa isang senior handler ng GMA Artist Center.

Read: Mark Herras admits fathering baby girl: “Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ho kasalanan si Ada.”


Simula ba noon, naramdaman niyang unti-unting nawala ang suporta ng kanyang mga tagahanga?

Sagot ng actor-dancer, “Well, hindi ko naman napansin yun.

“And, wala naman akong… wala naman akong pakialam.

"I mean, hindi ko naman bini-base na baka mamaya mawala yung mga fans ko, or mawawalan ako ng trabaho dahil umamin ako na may anak ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero 2014, alam ng mga tao, ng mga fans, ng mga supporters, hindi na sila ’tulad dati na talagang, alam mo yun, masyado silang nasasaktan kapag may nabalitaan silang hindi maganda.

“Ngayon talaga, naiintindihan naman nila dahil tao naman ako, and hindi na rin ako bumabata, I’m 28.

"So, hindi ko naman napansin or hindi ko rin naman binibigyang-pansin na baka nabawasan nga ako ng fans."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN