Sam Concepcion on gaining approval of Jasmine’s sister Anne Curtis: "It will just take time. Nothing is easy."

Sam Concepcion on reaching out to Jasmine Curtis’s sister Anne: "Sa relationship, sometimes it’s not just the both of us. There are people around us. Of course, my main concern is about her [Jasmine] and her ate [Anne] and how we are together. Siyempre, we all want to get along. Yeah, in time,” says Sam.


Inamin ni Sam Concepcion na hindi madali para sa kanya ang makipaglapit kay Anne Curtis, kapatid ng girlfriend ng singer-actor na si Jasmine Curtis.

Ngunit kahit na intimidating ang dating ni Anne para kay Sam, iginiit ng singer-actor na civil ang pakikitungo nila sa isa’t isa sa mga pagkakataong nagkikita sila.

“Yeah naman, it’s just part of everything,” pagkumpirma ng 22-year-old Kapamilya talent.

May effort ba siya para maging kampante ang loob ni Anne sa kanya?

Sagot ni Sam, “You know, it will just take time.

“I guess, nothing is easy. So, you just have to work for some things.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa Jolly Jolly Joy Joy Christmas special ng Jollibee na ginanap sa Trinoma Activity Center, kagabi, December 14.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na nasangkot sa kontrobersiya sina Anne at Sam, sanhi ng kanilang engkuwentro sa birthday party ni Vice Ganda noong March 31 ng taong kasalukuyan.

Read: Anne Curtis reportedly tells Sam Concepcion at Vice Ganda’s party: "You’re not not even classy enough to be here!"

Ngunit sa kabila ng napabalitang pagkakaayos nila noon, minsan nang nabanggit ni Anne na hanggang batian lang ng “hi” ang pakikitungo nila ni Sam sa isa’t isa.

Sa parte ni Sam, tila humahanap lang siya ng tamang pagkakataon upang makuha ang loob ng kapatid ng kanyang nobya.

“My relationship with Jasmine means a lot to me.

“There wouldn’t be a reason for me not to make an effort for everybody.

“Kasi siyempre, sa relationship, sometimes it’s not just the both of us. There are people around us.

“Of course, my main concern is about her and her ate and how we are together.

“Siyempre we all want to get along.

“Yeah, in time,” pahayag ng singer-actor sa isang hiwalay na group interview kagabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay hindi pa rin masagot ni Sam kung bakit tila hindi 100 percent na boto sa kanya si Anne para sa nakababatang kapatid.

Bunsod nito, hindi maiwasang mahirapan si Jasmine na paglapitin ang dalawang taong mahalaga sa kanya.

Sagot ni Sam ukol dito, “Siyempre, wala akong sagot for everything.

“Pero that’s what I’m hopoing to know.

“Siyempre wala naman kasing relationship na ganun kadali.

“There’s always going to be struggles, challenges.

“This is just another one for it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN