Susan Roces, Sen. Grace Poe commemorate 10th death anniversary of Fernando Poe Jr.

Senator Grace Poe offering her prayers at the tomb of her late father Fernando Poe Jr. at the Manila North Cemetery.


Nagtipun-tipon ang pamilya, malalapit na kaibigan, at fans ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. upang gunitain ang ika-sampung anibersaryo ng kanyang pagkamatay sa pamamagitan ng isang misa sa Manila North Cemetery kahapon, December 14.

Pinangunahan ito ng biyuda ni FPJ na si Susan Roces at ng kanilang anak na si Senator Grace Poe-Llamanzares.

Pumanaw si Da King noong December 14, 2004 sa kalagitnaan ng protesta sa diumano’y pandaraya sa kanya noong 2004 presidential elections.

Sa kanyang official Facebook fanpage, pinasalamatan ni Senator Grace ang mga patuloy pa ring sumusuporta sa kanyang ama at maging sa kanilang pamilya.

"We are truly grateful for the undying and undiminished love and support given to FPJ through these years.

"As we mark a decade since his passing, we remain in awe of the enormous respect and remembrance by our people of FPJ and his works.

"Our family conveys our deepest thanks to every Filipino home that has allowed FPJ’s memories to live through.

"Maraming salamat po!"


PRESIDENTIAL RACE. Sa ulat naman ni Jam Sisante para sa 24 Oras ng GMA Network, sinabi ni Senator Grace na hindi pa niya sigurado kung tatakbo siya sa pagka-Pangulo sa 2016 elections.

Ngunit inamin niyang napag-uusapan nila ng inang si Susan Roces ang tungkol sa bagay na ito.

"Paminsan-minsan nababanggit na... o pinag-uusapan na ganito, ganyan.

"Basta ang sabi lang ng nanay ko, ’Sa kahit na anong sitwasyon, kailangan handa ka.

"’At sa kahit anong sitwasyon, kinakailangan ang intensiyon mo ay para mapabuti ang pamumuhay ng mas nakararami. Hindi lang ng sarili mo.’"

Tumanggi namang magbigay ng komento si Susan tungkol sa posibilidad na tumakbo ang kanyang anak bilang Pangulo sa 2016 elections, ngunit umaasa siyang nagagawa ng anak ang mga inaasahan sa kanya ng taong-bayan.

Sabi ni Susan, "She is trying her best to be deserving of the support that was given her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I hope she lives up to everybody’s expectations.

"Beyond that, I do not wish to comment."

Kabilang din sa dumalo sa misa para kay FPJ si Vice President Jejomar Binay, na naging campaign manager ng yumaong action superstar nang tumakbo itong Presidente noong 2004 elections.

Tumanggi namang magbigay ng komento si VP Binay tungkol sa bali-balitang magiging running mate niya si Senator Grace bilang pambato ng oposisyon sa 2016 elections.

Si Senator Grace ang pumapangalawa sa pinakabagong presidential poll ng Pulse Asia, kung saan nakakuha siya ng 18 percent mula sa dating 10 percent.

Nagunguna pa rin si Vice President Binay sa nasabing poll.

Read: Grace Poe climbs, Jejomar Binay slides in latest Presidential poll


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN