Lovi Poe denies rumor of transferring to ABS-CBN next year

On rumor claiming that Lovi Poe is moving to ABS- CBN, “two years pa ako,” she says about her contract with GMA 7.


Mas gusto raw ni Lovi Poe na ipagdiwang ang nalalapit na Pasko kasama ang kanyang pamilya.

“As usual, sa bahay lang, with my family, my mom, and my sister,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong December 14.

Sila ng boyfriend niyang si Rocco Nacino, ano ang kanilang set-up this Christmas?

“Siyempre, siya rin, family first and maybe, afterwards, maybe sa December 25, magkita lang.

“Sa December 24, siyempre, salubong ng Christmas with the family.”



EXCHANGE GIFTS. Handa na ba ang Christmas gift niya para sa actor?

“Yes!” sabay tawa ni Lovi.

“’Yong gift ko, isa sa mga sobrang gustong-gusto niya, oo.

“Something na magagamit niya. Isa sa mga personal na hilig niya.”

Kung siya naman ang tatanungin, ano naman ang wish niyang matanggap ngayong Pasko?

“Anything pero, preferably, pang-gamit sa bahay!” tawa ulit niya.

“Kasi siyempre, kalilipat ko lang sa bagong bahay na ipinatayo ko.

"Kaya parang mas gusto ko ang gamit sa bahay.”

MISSING HER DAD. Tuwing Pasko, nami-miss pa rin daw niya ang yumaong ama na si Fernando Poe Jr.

“Oo naman, ever since, parang for how many years, medyo naging malungkot ‘yong Pasko ko.

“But then, as years went by, parang I’ve learned to really accept everything.

"For me, parang I’m on a more positive light.”

Paano naman niya isi-celebrate ang New Year?

“Same lang. Sa bahay.

“Parang I wanna start kasi kasabihan na dapat maging lively sa bahay kapag New Year.

“I don’t know kung pamahiin din pero para suwerte raw.”

TRAVEL PLANS. Kapag may libreng oras, nakakahiligan daw ni Lovi lately ang pagluluto. Preparasyon ba ito for being a future housewife?

“Ano ‘yon?” tila nabiglang reaksiyon ni Lovi bago muling natawa.

“Hindi! Naku, malayo pa ako do’n.”

Kapag nagluluto siya, sino ang unang tumitikim?

“Kapatid ko at saka pinsan ko kasi magaling siyang magluto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang pinakagusto ni Rocco sa mga nailuluto niya?

“Well, ilan pa lang ‘yong mga nailuto ko para sa kanya.

“Pero ‘yong Hawaiian shrimp na recipe ang pinakagusto niya.”

Hindi ba sila nagpaplano ulit ni Rocco na mag-travel together pagpasok ng taong 2015?

“Well, we’ll see kung matutuloy ‘yong Japan, kung wala kaming work.

“Gusto naming itaon ‘yon sa Cherry Blossoms sa Japan, so probably by April siguro.”

PROJECTS. Kasama si Lovi sa cast ng "Flight 666," isa sa tatlong episodes ng Metro Manila Film Festival entry na Shake, Rattle, & Roll XV. Bukod dito, may mga bago ba siyang project na gagawin like a new soap, halimbawa?

“Pinag-uusapan pa ng GMA at ng manager ko ‘yong tungkol sa bagong teleserye.”

Pero balitang mas gusto niya na subukang mag-host naman ng isang travel show kesa sa gumawa ng teleserye?

“Hindi naman sa mas gusto, parang gusto ko rin ng travel show if given the opportunity.

“At saka gusto ko na makatikim din ng delicacy ng iba’t ibang bansa, ‘di ba?”

Kung halimbawang matutuloy na mabigyan siya ng travel show, gugustuhin ba niyang si Rocco ang kanyang maging co-host dito?

“I think it would be fun! Oo.

“Fun ‘yon kapag magkasama kami. Kung magkaroon ng travel show para sa aming dalawa.

“Ang tawag nga namin sa aming dalawa—foodies.

"Kasi sobrang hilig namin sa pagkain.”

ROCCO AS A BADDIE. Ano nga pala ang masasabi niya na sobrang nagiging salbahe na at nambubugbog ng babae ang role ni Rocco sa primetime series na Hiram Na Alaala kung saan kasama nito sina Kris Bernal at Dennis Trillo?

“Maganda ‘yong role niya. Kasi it’s nice na napaglalaruan niya.

“It’s very challenging. Tinatawagan nga niya ako na nakaka-stress nga kasi nahihirapan siya dahil malayo naman ‘yon sa totoong ugali niya.

“Pero ang sabi ko, ’Maganda ‘yan, kapag nahihirapan ka sa role mo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Be thankful kasi alam mong pinagkatiwalaan ka para gampanan ang character na ‘yan.”

E, sa bagong look naman ni Rocco na may bigote at balbas-sarado?

“I like it!” sabay ngiti ni Lovi. “Parang bad boy na mature.”

Mas gusto niya kesa sa dating clean-cut at nice guy na dating ni Rocco?

“Puwede rin, either way.

“Para Rocco number one at Rocco number two!

“Joke lang ‘yon!” tawa ulit niya.

Pero paano kaya kung halimbawa, ang boyfriend niya ay nambubugbog pala?

“I’m sorry. No!

“Kamao ito ng tatay ko!” natawang biro niya.

Napapabalita rin na nagpaplano siyang lumipat sa ABS-CBN next year. Totoo nga ba ito?

“I still have a contract, two years pa ako,” panghuling nasabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN