Ai-Ai delas Alas says relationship with Gerald is approved by her children and boyfriend’s parents

One of the things Ai-Ai delas Alas had to sacrifice after admitting her relationship with Gerald Sibayan: "Wala na akong Instgram [account], wala na ako kahit ano, dahil ngayon ay iba na ang buhay."


Ikinatutuwa ni Ai-Ai de las Alas ang bukas na pagtanggap ng kanyang mga anak sa boyfriend niyang si Gerald Sibayan, kahit malayo ang agwat ng kanilang edad.

Si Ai-Ai ay 50 years old, samantalang si Gerald ay 20 years old.

Ang tatlong anak ng Comedy Concert Queen ay sina Sancho de las Alas, Sofia Vera, at Sean Nicole Vera.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment media ang komedyana sa mismong bahay nito sa Ayala Hillside, Quezon City, sinabi niyang mas mahalaga ang pagtanggap ng kanyang mga anak, kaysa sa mga intrigang pinupukol sa kanya dahil sa pagkakaroon ng mas batang boyfriend.

Pahayag ni Ai-Ai, "Alam mo si Sancho, hindi lamang siya, kundi the rest of my children, pinalaki ko ’yan sa tamang paraan, sa pagmamahal, the best that I can do, the best that I can ask the Lord on how I can handle kids.

"So, I think, ’yan ang pamana ko sa mga anak ko, and, isa ’yan sa ipinagyayabang at ipinagmamalaki ko na maaayos ang mga anak ko."

Dugtong pa niya, "It’s only my children who can see, sila lang ang nakakakita kung anong klaseng relasyon meron kami ni Papi [tawag niya kay Gerald].

"I think, ’di ko na kailangan pang i-elaborate kasi, unang-una, ’di naman artista si Gerald.

"Pangalawa, ayoko na siyang maging center of attention, which is ang hirap para sa akin dahil artista ako.

"Ang dami ko nang isinakripisyo.

"Wala na akong Instgram [account], wala na ako kahit ano, dahil ngayon ay iba na ang buhay."

PARENTS’ REACTION. Ang isa nga raw gustong malaman ng publiko ay kung ano ang reaksiyon ng mga magulang ni Gerald sa tinatawag nilang "May-December afair" na ito?

Tanggap ba ang kanilang relasyon, o meron bang pagkontra rito?

Aniya, "I think, sa sobrang...kasi, ang parents ni Gerald, ayoko na ring isali sa usaping ganito, but for the sake lang na ipagtanggol ko din naman si Gerald, disente ang pamilya nina Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Army ang tatay ni Gerald, kaya, anything na medyo crucial, ayoko na silang isali.

"Kasi ang tatay ni Gerald, nirerespeto sa...mommy rin niya, Army.

"So, pagdating sa usaping pamilya, ang sinasabi ko na lang, ’si Gerald ay malaki na.’

"At yun ang sinabi ng papa at mama niya," sabay baling kay Gerald na nasa ’di kalayuan niya habang nagaganap ang panayam na ito na naganap noong December 12.

Tanong si Aileen (totoong pangalan niya) kay Gerald, "Ano nga sabi ng papa at mama mo tungkol sa relasyon natin?

"Para hindi naman talaga nanggaling sa akin."

Sagot ng binata, "Alam ko na ang tama at mali."

Dagdag ni Ai Ai, "Yun, alam na niya raw ang tama at mali, ikaw na yun."

May pagkakataon bang nag-reach out siya sa pamilya nito?

Tugon niya, "HIndi naman namin pinag-uusapan...yun, nandun ako sa kanila sa birthday ng papa niya, sa birthday ng mama niya."

Ang ganitong sitwasyon nga raw ang hindi alam ng publiko, kaya marami ang may agam-agam kung totoo nga bang tanggap siya ng pamilya ng kanyang boyfriend.

Diin ng box-office queen, "Kasi hindi naman kailangan."

Kaya nga raw, may bumabatikos sa kanya noon na "kept man" niya ang bagets dahil halos isang taon na ang kanilang relasyon bago pa man ito nailabas sa madla.

"Dun nga ako naa-unfair-an ako, nung inilabas ang tungkol kay Gerald, hindi ako...

"Kasi, sanay nga ako na ’pag sinabi ko sa press na ’wag niyo nang anuhin, ibigay niyo na ito sa akin, nirerespeto ako ng press.

"So, heto, nung lumabas ito, akala ko ganun."

CRITICISMS. Ano ang masasabi niya sa iba’it ibang komentong natatanggap niya?

Aniya, "HIndi ako nasasaktan dahil totoo, disappointed ako kasi, yung mga taong nirerespeto ako dati, kumbaga ngayon, wala na.

"Ibinaon na nila ako sa ...ng kaka-ganun nila.

"Parang, puwede namang sabihin na, ’I have a new boyfriend,’ pero ba’t kailangang ini-instigate ang edad niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, sa akin, mas bata siya sa akin, pero si Gerald ay hindi 12 years old.

"Ang importante, masaya ako, wala akong tinatapakang tao, hindi ko sila inaano, buhay namin ito.

"Iba na pala ang buhay ngayon, hindi ko ito na-foresee."

Sa tingin niya, hanggang saan aabot ang relasyong ito?

Mabilis niyang sagot, "Siguro, wala namang babae na ang gusto ay agad-agad wala na, ’di ba?

"Siyempre ako, I want to have him...gusto kong tumagal ang relasyon namin, si Lord lang ang nakakaalam niyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN