Sam YG and Tony Toni react to "rape" post of Nathalie Hart

Sam YG (right), Tony Toni, and Slick Rick (not in photo) recently released a book titled I Need Space, which is a compilation of various anecdotes and situations involving the young generation, especially the guys who are single.


Ilan sa mga nag-react sa Instagram post ni Nathalie Hart ay ang dalawa sa radio trio ng Boys Night Out na sina Sam YG at Tony Toni.

Heto ang post ni Nathalie, "According to my dad lesson: If rape is inevitable, lay back and enjoy it."

Sa ngayon, burado na ito sa kanyang account.

Pero hindi na napigilan ang Netizens na magbigay ng kani-kanilang reaksiyon, karamihan ay pambabatikos.

Isa na rito ay ang disc jockey na si Mo Twister na nagpost ng, "Okay doll, looks like I have to unfollow you now @imnathaliehart."

Nang ekslusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Sam YG at Tony Toni, sa pocket presscon ng kanilang librong I Need Space, hiningian namin sila ng saloobin tungkol dito.

SAM’S REACTION. Bungad ni Sam YG, "Oo, nabasa ko yun.

"Ako kasi, I’m an advocate against rape so that’s a very heavy word to use.

"I guess, it was used in a playful manner, ’di ba?

"Ang take ko diyan, maybe she can use other words kasi rape is still pretty heavy.

"Being in comedy and all that, I think, you still have to draw the line, and be responsible with what you say."

Dugtong pa ng dating kilala bilang si Shivaker, "I’m not saying like, maybe, that’s her style of comedy, pero if you’re a rape victim, how could possibly say na...

"For me, different style of comedy, different."

Sa naging reaksiyon ni DJ Mo Twister, heto naman ang kanyang nasabi.

"Like for me, it’s also my cup of tea, not my style really.

"With Mo, I believe him kasi, like what I said, if you see a victim of rape, it wouldn’t be funny.

"But maybe, for someone who’s not there, she probably joke around it kasi, hindi ka naman ang nasa sitwasyon, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ikaw ang nasa sitwasyon, hindi nakakatawa yun, sigurado ako.

"Everybody has the right to post anything in the social media, kahit ano, ’di ba?

"But there are things na I would not support."

Sa tingin ba niya, kung sa paraang nakakatawa ang post na ito ni Nathalie, iba ang dating nito sa Netizens?

Aniya, "Sa akin kasi, I would not post it.

"There are things na, I would not joke around about it.

"Ako, lalaki ako, kaya ’di ba, out of respect na rin sa women.



TONY’S TAKE. Samantala, heto naman ang naging pahayag ni Tony Toni.

Sabi niya, "I think, may hinuhugutan siya.

"You know, before we judge or critique anyone, everyone has his side, everyone has two sides to the story.

"I know her [Nathalie] personally, e, but for someone who has been raped or experienced that, shouldn’t experience that.

"I think even guy or girl, bading, transgender, no means ’no,’ it’s no joke.

"Anyone has a choice to say ’no,’ but when someone crossed that, that becomes a crime.

"For her to say that ’if rape is envitable, just enjoy it,’ medyo off yun."

Dagdag pa niya, "If you looked at it, there are minors being raped, it’s traumatizing, nakakasira ’yan ng isip, it demoralizes you as a person.

"It’s wrong for her to say that."

Nadako ang usapan sa libro nilang I Need Space sa ilalim ng VIVA Psicom Publications.

Ani Tony Toni, "Lahat kasi ng mga DJs, may kanya-kanya nang libro, e.

"Si Ramon [Bautista] came out with a book, so we put all our shows na top trending sa Boys in primetime, nilagay na namin sa book.

"Kahit nasa traffic ka o going out of town, puwede kang magbasa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN