Jasmine Curtis-Smith says no to sexy poses: "...hindi ko po kayang mag-underwear, parang wala sa ugali ko iyong ganun."

Masaya si Jasmine Curtis Smith dahil pareho sila ng ate niyang si Anne Curtis na namamayagpag sa endorsements. Aniya, "So napakasarap sa feeling na marami pa rin pong gustong kumuha sa amin para sa trabaho."


Excited si Jasmine Curtis-Smith na sumakay sa float para sa Metro Manila Film Festival 2014 parade.

“Masaya po, nakaka-excite!

"Kasi siyempre iyan yung isa sa mga gustong ma-experience ng lahat ng mga artista sa industriya natin, yung makasali sa mga film festivals.

“Gusto ko rin po kasi talagang ikutin ang mga film festivals.

"So bonus na po yung makakasama ako sa parada, sa premiere night.

"Kaya masaya, excited ako!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa presscon ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo kahapon, December 15, sa Plaza Ibarra sa Timog.

Lahad ng aktres, “Ako po si Andrea, isang estudyante na nagre-research tungkol sa tunay na buhay ni Andres Bonifacio, bilang unang Pangulo.”

Unang pelikulang pang-filmfest daw niya ito.

ON ANNE. Tinanong namin si Jasmine kung ano ang pakiramdam na ngayon ay nai-establish na niya ang sariling pangalan at hindi na lang kilala bilang “kapatid ni Anne Curtis.”

Sa katunayan, halos nakakasabay na siya sa ate niya in terms of projects sa pelikula, telebisyon, at commercials.

“Slight lang naman po ang pagsabay ko,” at tumawa si Jasmine.

“Siyempre ang taas pa rin ng angat ni Ate.”

Ngayon nga, tila mas marami pang pelikula si Jasmine kaysa kay Anne.

“Pero iyon nga po sana, in time, makasabay na rin sa paggalaw ng career.

"Pero masaya kasi kahit naman na wala ako sa istasyon ni Ate, hindi kami parehong…yung kanya, malaking management siya.

"Independent management lang kami.

"So napakasarap sa feeling na marami pa rin pong gustong kumuha sa amin para sa trabaho.

“Trustworthy kami, iyon.”

Ang manager ni Jasmine ay si Betchay Vidañes na manager rin nina Kylie Padilla at Mikael Daez, among others. Si Anne naman ay sa ilalim ng VIVA.

ON KYLIE.Sa pelikula, pareho silang leading ladies ni Kylie, wala bang insecurity sa pagitan nila?

“Wala po! Pareho po kaming swak lang ni Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi parang pareho lang naman kaming mag-isip in terms of our work, so trabaho lang po talaga siya for us.

"And may sarili kaming mundo kasi.”

Si Kylie ay sa aksyon nalilinya at si Jasmine ay sa drama.

“I guess inborn sa mga Padilla yung mga action, so wala, okay naman po.

"Separate naman po kami ng istasyon so hindi naman namin nararamdaman na may kumpetisyon in any way.

"Maayos kaming mag-usap pag nagkakasama kami sa mga meetings or get-togethers ng management namin.”

Girl bonding or girls night-out with Kylie?

“Wala pa naman kasi pareho kami ni Kylie.

"Prefer namin mag-i-sleepover kasama ng mga road managers namin, yung mga nakakasama namin sa trabaho.”

Hindi pa rin daw sila nakakagimik together, “Hindi po nagtutugma ang mga schedules namin.”

NO TO SEXY POSES. Naalok na pala dati ng FHM si Jasmine para maging sexy cover girl ng naturang men’s magazine.

“Before po.”

Tumanggi siya?

“Ah, hindi naman po.

“Ano lang, nakiusap lang kami na it’s not the right time.

"I also don’t think I would be ready to do that.”

Kahit sa mga susunod na taon pa?

“Well, hindi ko po alam kasi kung kaya kong gawin yung ganun, e.

"Kung iyon yung gusto kong tahakin na audience.

“Happy naman ako sa audience ko ngayon.”

So hindi rin siya puwedeng offer-an ng Bench Body bilang underwear endorser.

“Bawal po, Ba-yo po ako, e.

“Pero hindi ko po kayang mag-underwear, parang wala sa ugali ko iyong ganun.

“I mean it’s almost similar as modeling a bikini, at the same time, ang connotation na kasama sa pag-model ng underwear, ’di ba?

"Iba pa rin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN