Jason Francisco, John Prats bury the hatchet

Hindi pa man daw sila nagkakausap nang masinsinan tungkol sa nangyaring gulo sa kanilang dalawa ni John Prats (kaliwa) noong 2013, sinabi ni Jason Francisco (kanan) na sapat na sa kanyang nag-shake hands sila ng dating kasamahan sa Banana Split.


Nagkaayos na raw sina Jason Francisco at John Prats matapos ang lagpas isang taong alitan.

Nag-ugat ang away ng dalawa dahil sa pananakit ni Jason kay John sa taping ng ABS-CBN gag show na Banana Split.

Read: John Prats shocked by Jason Francisco’s "demonic" behavior; wants to teach former PBB housemate a "lesson"

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Jason noong Martes, December 16, sinabi nitong ang pagkakaayos nila ni John ay isa sa mga ipinagpapasalamat niya sa taong ito.

Aniya, “Okay na kami ni Kuya John. Nung PBB Big Night rehearsal [last August], nag-shake hands kami.

"Okay na kami, walang problema. Simple lang. Siguro time din.”

Paano ba sila nagkabati ni John?

Saad ni Jason, “Nakikita ko siya [madalas] pero ayaw ko naman mag-approach, so hinintay ko na lang siya.

"Marami naman na akong nagawa noon [na pag-reach out], parang ayaw niya pa, so hinintay ko na lang siya.

"Wala na yun."

Hinihintay na rin lang daw ni Jason sa ngayon na makapag-usap sila nang masinsinan ni John.

Dagdag pa nito, “Hindi pa [kami nakakapag-usap]. Shake hands lang. Yun ang importante.

"Siguro kapag nagkasama kami ulit sa trabaho.

"Pero sapat na yun. Wala na masyadong usapan.

"Basta kumamay sa ’yo, okay na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN