Rommel Padilla on ’confirmed’ relationship of son Daniel and Kathryn Bernardo: "Parang meron nga talaga… parang, parang."

Rommel Padilla on son Daniel having to sacrifice his personal life for the growth of his career: “Oo, pero parte kasi yun sa pinili niyang karera. Yun ang lagi naming ipinapaalala sa kanya na ‘yang ibinigay sa kanyang blessing na ‘yan, ang kapalit ay yung sakripisyo, which is yun nga yun. Hindi ka puwedeng nakikita sa kung saan-saan. Yung gusto mong ligawan, baka ‘tsaka na muna dahil ‘eto muna ang kailangan mong gawin.”


Naniniwala si Rommel Padilla na magkasintahan na nga ang anak niyang si Daniel Padilla at ang ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rommel sa presscon ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na Bonifacio: Ang Unang Pangulo, na pinagbibidahan ng utol niyang si Robin Padilla, sinabi nitong ramdam niyang may relasyon na nga ang anak kay Kathryn.

Noong una, ayaw pa sanang magkomento ni Rommel tungkol sa balita. Pero nang ibahagi ng PEP sa kanya na may nagkumpirma na nga sa relasyon ng dalawa, nagbigay na rin siya ng pahayag tungkol dito.

Read: Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in a relationship, say sources

Sabi ni Rommel, “A, yun… parang meron nga talaga… parang, parang.”

Hindi pa ba nagsasabi sa kanya si Daniel?

“Wala pa naman. Ang palagi lang niyang sinasabi, espesyal sa kanya si Kathryn.

"Nakikita ko naman sa kanya."

May nagsasabing kaya raw hindi makaamin si Kathryn dahil sa pagkakaiba ng relihiyon nila ni Daniel.

Si Kathryn ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo at si Daniel naman ay Katoliko.

Reaksiyon dito ni Rommel, “A, ganun ba? Wala pa naman akong naririnig na ganun.”

Hindi niya ba nakakausap si Daniel?

“Nakakausap, lagi naman.”

Bakit hindi pa inaamin nito ang totoong estado nila ni Kathryn?

“Alam mo, nakikita ko naman yun na espesyal sa kanya si Kathryn.

“Pero hindi ko naman tinatanong na ‘Syota mo na ba si Kathryn?’ Wala namang ganun.”

Naiilang ba siyang tanungin ang anak tungkol sa personal life nito o gusto niyang ito ang magsabi sa kanya?

Saad ni Rommel, “Kung ako nga ang tatanungin mo, may espesyal yung dalawa sa isa’t isa.

“Hindi ko naman tinatanong kung ‘Magsyota na ba talaga kayo, anak?’”

Dagdag niya, “Alam mo, ang lagi kong sinasabi, ‘Kung meron kang napupusuan, kailangang iparamdam, ipakita. Huwag i-deny.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REAL FEELINGS. Sumang-ayon naman si Rommel nang sabihin sa kanyang dapat maging maingat si Daniel sa kanyang salita at kilos, lalo na ngayong maraming sumusubaybay sa tambalan ni Kathryn.

Hangga’t maaari ay kailangan niyang pigilan ang sarili sa pagpapahayag ng kahit paghanga man lang sa ibang babae.

Sabi ni Rommel, “Oo, pero parte kasi yun sa pinili niyang karera.

“Yun ang lagi naming ipinapaalala sa kanya na ‘yang ibinigay sa kanyang blessing na ‘yan, ang kapalit ay yung sakripisyo, which is yun nga yun.

“Hindi ka puwedeng nakikita sa kung saan-saan.

“Yung gusto mong ligawan, baka ‘tsaka na muna dahil ‘eto muna ang kailangan mong gawin.”

Boto ba siya kay Kathryn o mas gusto niyang huwag munang magseryoso ang anak sa lovelife?

Sagot ni Rommel, “Gusto kong mag-enjoy sila.

“Kung meron silang first love or crush, boyfriend-boyfriend, girlfriend-girlfriend, ang saya nun, e.

“Alam mo yung feeling na para kang nasa panaginip na ayaw mong magising, ‘di ba?”

Si Kathryn ba ang unang babaeng ipinakilala sa kanya ni Daniel?

“Oo, kasi siya talaga yung closeness.”

May iba pa bang ipinakilala sa kanya ang anak?

“A, wala, walang ipinakilala sa akin si DJ. Wala.

“Pero siyempre, ‘pag naririnig silang magkakapatid, nagbibiruan, ‘Girlfriend ko, ganito.’

“Silang magkakapatid, mga bidahan.”

Ilang babae ang ibinida ni Daniel sa kuwentuhan?

“Matagal na yun, tatlo na raw ang girlfriend niya.

“Ano ito, ha, thirteen [years old] pa lang siya noon.

“Siguro ‘pag ang mga lalaki ang nagkukuwentuhan, alam mo naman.”


STICK TO ONE. Nagulat ba siya na humahanga rin si Daniel kay Jasmine Curtis-Smith?

Matatandaang nabunyag ang tungkol dito nang kumalat sa Internet ang audio recording ng pakikipag-usap ni Daniel sa isang kaibigan, kung saan sinabi ng young actor na “kinilig ang tumbong” niya nang mag-reply sa kanyang text message si Jasmine.

Kasama rin sa Bonifacio sina Daniel at Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rommel, “Oo, wala naman sigurong lalaking hindi mag-a-admire kay Jasmine.

“Alam mo si DJ [Daniel], lalaki. ‘Pag ang mga lalaki, nag-uusap…

“Tungkol doon sa nag-record na sira-ulong kaibigan niya, na ang usapan ‘pag puro kayo magbabarkada, nandun yung bidahan.

“Pero wala akong narinig na dapat ikagalit ng ano kay DJ dahil isang paghanga lang ng lalaki na sa panahon nila, yun ang usong salita. Ganung pamamaraan ng ganung kuwento.”

Pinapayuhan ba niya si Daniel na dapat ay stick to one lang siya?

“Oo, dapat lang, dapat lang.”

May mga payo din ba siya kay Daniel kung kailan ito dapat mag-asawa?

Saad ni Rommel, “Gaya ng sinasabi ko, kailangan i-prioritize niya yung karera.

“Kasi once in my life, dumating sa akin ‘yan, pero I took it for granted. Parang inuna ko yung hindi dapat.

“Yun ang puwede kong i-share sa kanya. Yakapin niya ‘yan habang mainit pa.

“I-set aside niya, disiplina.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN