Vice Ganda stays strong despite condition of ailing grandfather

“Sobrang down, pero siyempre ‘di ko naman puwedeng ipahalata. Ang dami kong obligasyon, e. May obligasyon ako sa audience ko, may obligasyon ako sa programa, sa network. Pinipilit kong ihiwalay yung personal kong nararamdaman kasi mas nararamdaman ko yung pagod. Saka nagpapaka-busy ako kasi mababaliw ako, e,” says Vice Ganda about staying strong amidst medical condition of his grandfather.


Makakapiling ni Vice Ganda ngayong Pasko ang kanyang ina dahil darating ito mula sa ibang bansa.

Ngunit mababahiran ng kalungkutan ang pagsasama-sama nila ngayong Pasko dahil kasalukuyan pa ring nasa Intensive Care Unit (ICU) ng isang ospital ang maternal grandfather ni Vice na si Lolo Gonzalo.

“Baka sa ospital kami mag-Pasko. Ganun pa rin, hindi pa rin siya nagigising,” banggit ni Vice nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong Miyerkules, December 17, sa set ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Dagdag niya, “Sobrang down, pero siyempre ‘di ko naman puwedeng ipahalata.

“Ang dami kong obligasyon, e. May obligasyon ako sa audience ko, may obligasyon ako sa programa, sa network.

“Pinipilit kong ihiwalay yung personal kong nararamdaman kasi mas nararamdaman ko yung pagod.

“Saka nagpapaka-busy ako kasi mababaliw ako, e.”

Labis man daw niyang ikinalulungkot ang kalagayan ng kanyang lolo ay pinipilit ni Vice na maging matatag.

“Kasi lalo na yung pamilya ko, kailangang magpakita ako sa kanila ng tatag.

“Araw-araw, wala na silang ginagawa kundi mag-iyakan nang mag-iyakan dun sa ICU.

“Ako nga, hindi ako umiiyak, hindi talaga ako nagpapakita sa kanila na umiiyak. Sa bahay na lang ako umiiyak.

“Ako ang pinakamalapit sa lolo ko.

“’Pag nakita nilang nag-breakdown ako, maloloko silang lahat.

“Nanay ko, ninenerbiyos, ano raw ba ang nararamdaman ko.”

Ayon pa kay Vice, bagamat ipinagdadasal niyang pahabain pa ang buhay ng kanyang 93-anyos na lolo, nandoon din ang hiling niyang huwag nang patagalin pa ang paghihirap na dinaranas nito.

“Ang weird nga kasi hindi ko alam kung ano ang idadasal ko sa Diyos.

“Kasi alam ko gusto ko na humaba pa ang buhay ng lolo ko para makasama ko pa siya.

“Pero ayoko ding pahabain pa yung paghihirap niya kasi kitang-kita.

“Ang payat-payat na ‘tapos sobrang dami ng aparato na nakakabit sa katawan niya, alam ko nahihirapan siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN