Sam Concepcion brushes off bashers: “You can’t really do much about that.”

Sam Concepcion says he and girlfriend Jasmine Curtis-Smith refuse to be affected by the putdowns that plague the actress. “Those are fans... As artists, we just brush things off and bury the negative."


Ayaw nang palakihin pa ni Sam Concepcion ang patuloy na pambabatikos ng KathNiel fans sa girlfriend niyang si Jasmine Curtis-Smith.

Kaugnay pa rin ito ng audio scandal na kinasangkutan ni Daniel Padilla, kung saan nadawit ang pangalan ni Jasmine na nakasama ng una sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

“You know, there’s really nothing to talk about here.

“Those are fans.

“You can’t really do much about that.

“As artists, we just brush things off and bury the negative,” pahayag ni Sam.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa "Jolly Jolly Joy Joy Christmas Special" ng Jollibee noong nakaraang Sabado, December 13.


NO TO NEGATIVITY. Kamakailan lang ay ipinagtanggol si Jasmine ng kapatid nitong si Anne Curtis at nakiusap sa KathNiel fans na tigilan na ang pagbato ng masasakit na salita laban sa nakababatang kapatid.

Read: Anne Curtis to Kathniel fans: "Stop the hate and spread the love and peace."

Sa kabila nito ay hindi pa rin matigil ang bangayan sa pagitan ng fans ng reel and real-life loveteam na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla laban sa fans ni Jasmine.

Ngunit ayon kay Sam, pareho silang naniniwala ni Jasmine na mas mabuting mag-focus sa positibong bagay kaysa magpaapekto sa isyung wala silang kinalaman.

Saad ni Sam, “Definitely this year has taught us a lot.

“Sometimes, there comes a point where you shouldn’t let negativity get to you.

“You will not blossom into anything productive.”

Maging si Sam ay nasangkot sa kontrobersiya kaugnay ng kumprontasyon sa pagitan nila ni Anne sa birthday party ni Vice Ganda noong Marso.


LESSONS. Ganunpaman, iginiit ng Kapamilya singer-actor na ang mahalaga ay marami siyang natutunan mula sa mga pinagdaanan niyang intriga ngayong taon.

Dagdag na pahayag ni Sam sa isang hiwalay na group interview, “Well, sa totoo lang, this year has been quite loaded.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But you know, God has been very faithful to me and to all of us.

“Things like that happen every year, ups and downs in career, in life, in relationships.

“But God’s been very good to all of us so it made us more mature people.

“It made us learn a lot about ourselves and how we treat other people.

"And how we express ourselves and how we can all get along.

“It’s all about time and I think this year has taught us a lot.”

Read: Sam Concepcion still hoping to gain Anne Curtis’s approval


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN