DJ Mo Twister reconciles with friend KC Montero

DJ Mo Twister posts exchange of messages with KC Montero after few years of misunderstanding.


Nagkaayos na ang dating magkaibigan na sina DJ Mo Twister at KC Montero.

Base sa Instagram post ng New York-based radio host kanina, December 19, tapos na ang alitan nila ni KC na nagsimula noong 2012.

Sabi ni DJ Mo, “To make things even more awkward, I Instagram our first conversation in years. Hahahaha @kcmontero.”

Ang muling pag-uusap nila ni DJ Mo, sa pamamagitan ng messaging application na Viber, ay inilarawan naman ni KC bilang “digital awkward moment.”

Sa sagot ni DJ Mo kay KC, masasabing lumipas na ang kanilang alitan.

“Nah, years pass and awkwardness – as with everything – fades.”

To make things even more awkward, I Instagram our first conversation in years. Hahahaha @kcmontero

A photo posted by Mo Twister (@djmotwister) onDec 12, 2014 at 9:36pm PST

Matatandaang nagsimula ang alitan nina DJ Mo at KC nang ma-link ang huli kay Rhian Ramos na naging girlfriend ng una.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN