Jasmine Curtis Smith on civil relation between sister Anne and boyfriend Sam Concepcion: "Tamang pag-handle lang. "

Jasmine Curtis Smith clarifies that her sister Anne Curtis may feel distant towards her boyfriend Sam Concepcion, but “Hindi naman niya ako inaawat sa ginagawa ko. Kung inaawat na niya ako, ibig sabihin, may nakikita na siyang hindi tama.”


Aminado si Jasmine Curtis Smith na "civil" lang ang relasyon ng kapatid niyang si Anne Curtis at ng kanyang boyfriend na si Sam Concepcion.

Pero hindi naman daw siya pinipigilan ng kanyang ate sa relasyon nila ng kasintahan.

Saad ni Jasmine, “Civil sila, oo.

“Yun lang talaga ang sitwasyon and you can’t force anything.

“I mean, kung hindi naman siya [Anne] supportive sa akin, makikita naman natin yun.

“Ako yung aawayin niya, ako yung sasabihan niya.

“Obviously, she’s not doing that. Hindi naman niya ako sinasabihan na, ‘Oy, i-break mo ‘yan.

“Nakikita naman niya na masaya ako.”

Pero boto ba ang ate niya kay Sam?

Hindi sinagot ni Jasmine ang tanong at sa halip, palambing niyang sinabing “Ikaw naman,” pahiwatig na huwag nang gawing isyu ito.

Paliwanag pa niya, “Kasi siyempre, yung mga ate, meron na ’yang mga fixed idea o image na gustong makatuluyan ng kapatid nila.

“Kahit naman kuya... mas masahol pa ang kuya.

“So, si Ate, ganun lang siya talaga by nature, even before.

"I’m not making this up, ganyan na siya, it’s not new."

Protective lang ba si Anne kay Jasmine?

“Yes,” mabilis niyang tugon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa presscon ng 2014 Metro Manila Film Festival entry na Bonifacio: Ang Unang Pangulo, noong Martes, December 16.


IS HE WORTH IT? Kahit sabihan siya ng kanyang pamilya, desisyon ni Jasmine talaga na ipagpatuloy kung ano ang gusto niya, sa lovelife, halimbawa?

Tugon niya, “Opo. They all respect my decision basta lang makita lang nila na tama pa yung desisyon ko.”

Worth it ba na ipaglaban si Sam?

Well, the thing is, yung mga ipaglaban-laban na ‘yan…

"You can’t put it as us against the world. It has to be us in the world.

“You have to consider everyone involved and, I think, he [Sam] said this also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, hindi lang kami ang magkasama.

“Marami rin namang tao sa paligid namin na minamahal namin at inaalagaan din kami, at yung puso namin.

“Yun lang talaga yun, us in the world.”


IN TIME. Hindi galit o turned off ang ate niya kay Sam?

Paglilinaw ni Jasmine, “No, kasi kung off na off siya, hindi sila magbabatian, hindi sila magpapansinan.

“Si Ate, hindi plastic na tao. Kung ayaw niyang batiin, hindi niya babatiin.

“Nagbabatian lang sila, wala rin naman silang chance na mag-usap.

“They don’t have projects together or events sila together.

“So, yun lang talaga.”

In time kaya ay magkakaroon ng mas pleasant na samahan sina Sam at Anne sa isa’t isa?

“Yes po naman, siyempre everything takes time.

“Parang career lang naman ‘yan na tinatrabaho, ganun naman ‘yan.”

Sinasabi kasing madalas ni Anne na kahit buhay ay iaalay niya maprotektahan lang ang kapatid.

Reaksiyon dito ni Jasmine, “Ganun yun, ganun kami sa family.”

Sabi pa ni Jasmine, gaya ng mga magulang, ang ate niya ay naghahanap lang ng ‘extra mile’ mula kay Sam.

“Pero ang mga magulang, feeling ko, mas madaling i-win over compared sa mga ate, kuya.

“Papahirapan talaga nila yung manliligaw.”


PROPER HANDLING. Gumagawa ba siya ng paraan na makapag-usap ang dalawa?

Sabi ni Jasmine, “Opo naman.

"Kapag may chance na magkakasama kami sa iisang lugar, of course, wala silang choice na iiwasan nila akong pareho. Ano yun, ‘di ba?

"Siyempre, nandun ako kasama ko si Sam. Nandun din si Ate, ‘Hi, hello.’"

Naiipit ba siya sa ganitong sitwasyon?

Tugon niya, “Hindi po. Tamang pag-handle lang.

“Kung hindi sila magpansinan... I mean, after ng hi, hindi sila mag-usap, e, di okay.

"Kakausapin ko muna siya [Sam]. After, dun siya muna, kakausapin ko muna ang ate ko.

“Marunong namang makipag-usap si Sam sa mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kakausapin muna niya yung mga tao sa paligid niya.

“That’s never a problem to bring to him sa mga events.

“Like, kunwari sa concerts, hindi problema sa akin na magkakasama kaming lahat.

“Kasi kahit may mangyari pa ring ganun, it’s just a matter of being able to socialize properly and civilly.”

Paano niya ina-assure ang ate niya na okey si Sam?

“Wala, wala lang siyang naririnig o nakikitang problema or whatever.

“Wala naman akong ginagawa to assure her kasi assured naman siya.

“Hindi naman niya ako inaawat sa ginagawa ko.

“Kung inaawat na niya ako, ibig sabihin, may nakikita na siyang hindi tama.”

Nilinaw ni Jasmine Curtis Smith ang balitang “civil” lang raw ang ate niyang si Anne Curtis sa kasintahan niyang si Sam Concepcion.

Inamin ni Sam na ganito nga ang sitwasyon nila ni Anne sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

At nuong Martes, December 16, sa backstage ng It’s Showtime, kinumpirma naman ni Anne na hanggang batian lang sila ng nasabing boyfriend ng kapatid.

Tumanggi nang mag-elaborate pa ang aktress sa kanilang sitwasyon ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN