Gabby Eigenmann to brokenhearted sister Andi: “Kapag nadapa, bangon ka.”

Ayon sa Kapuso actor na si Gabby Eigenmann, siya ang takbuhan ng nakababatang kapatid na si Andi Eigenmann sa tuwing may problema ito, kagaya na lang ng recent breakup ng Kapamilya actress sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.


Nakaalalay si Gabby Eigenmann sa nakababatang kapatid na si Andi Eigenmann ngayong may pinagdadaanan ang young actress sa personal nitong buhay.

Brokenhearted ngayon si Andi dahil sa paghihiwalay nila ni Jake Ejercito, na ngayon ay nauugnay sa non-showbiz girl na si KC del Rosario.

Read: Andi Eigenmann on Jake Ejercito-KC del Rosario romance: “Kami pa nung summer, meron na silang something."

Magkapatid sa ama sina Gabby at Andi.

Ang kanilang ama na si Mark Gil ay pumanaw noong September 1 dahil sa liver cancer.

Ang ina ni Gabby ay ang actress-commercial model na si Irene Celebre, habang ang ina naman ni Andi ay ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Read: Mark Gil dies at 52


SUPPORTIVE KUYA. Ani Gabby, tila okay naman si Andi ngayon.

“Sabi ko nga, it’s a learning process for her.

“You get to be brokenhearted, darating ‘yan sa buhay.

"Ang lagi ko kasing sinasabi sa kanya, ‘Learn from experience.’

"I don’t wanna say mistakes, sabi ko, ‘Just learn. ’Pag nadapa, bangon ka. Hindi yung nadapa ka, bangon ka nga, madadapa ka ulit. Ibig sabihin, you’re not learning.’

“Pinagsasabihan ko naman sila, sabi ko... even if I give them an advice, nasa sa kanila pa rin ’yon, e. Boses lang ako.

“Whether they do it or not, basta hindi ako nagkukulang sa pagpayo sa kanya.”

Nakikinig naman ba sa kanya si Andi?

“Hit or miss, minsan,” nakangiting sagot ng Kapuso actor.

“I wanna say na mas nakikinig siya sa akin, pero they have their own lives na, e.

“Kung ano naman ang na-decide niyang gawin, ’pag nagkamali, aakuin naman niya yon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa press conference ng kinabibilangan niyang teleserye sa GMA Network, ang Once Upon A Kiss, kaninang tanghali, December 19.

HIS SIBLINGS. Sa kanilang magkakapatid, si Andi raw ang pinakamadalas na tumawag sa kanya kapag may problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, halos lahat sila. Mostly nga lang si Andi kasi ako ang nakatoka sa kanya.

"’Pag may problema, ako lang ang tawagan. Ever since naman.

"Although tag team din sila ni Tita Jane [Jaclyn Jose].

“Kasi kapag may problema din sila, Tita Jane would always call me.

“Sabi ko nga, lagi naman akong nandito.

“I don’t wanna be unfair to my other siblings, but if they want me to be part of their lives, I’m always here.

“Pero ’pag binigyan mo ako ng wall for me to climb pa, you may enter, sige... minsan kasi diskarte na nila ‘yan.

“Si Sid [Lucero] would also call me pag may problema din siya.”

Bukod kina Sid at Andi, kapatid din ni Gabby sina Ira at Max Eigenmann.

Mahirap daw ang responsibilidad na tumatayong “padre de pamilya” sa kanilang magkakapatid, pero masaya si Gabby.

“I feel so blessed because ayokong sabihin na wala akong problema sa family ko, sa sarili.

"Pero God gave me this opportunity to share what I have, yung wisdom sa mga kapatid ko, kaya ako ang nagiging takbuhan nila.

“Okay naman. Pressured. Pero I think I was born… to protect.”


ANDI’S NEW PLACE. Kinumpirma rin ni Gabby na nakakuha na ng sariling condo unit si Andi at inaayos na niya ito.

Ibig bang sabihin nito ay bubukod na si Andi sa kanyang nanay na si Jaclyn Jose?

“Sa pagkakaalam ko, she got a condo unit.

"I think pinuproseso na kung paano. Kasi wala pang gamit, pero I think it’s ready na.

"Pero alam ko, as of now, ’andun pa rin siya kay Tita Jane."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN