Daniel Padilla on ’confirmed’ relationship with Kathryn Bernardo: "Hindi pa puwede. Let’s wait."

“Parang lang. Hindi pa sigurado si Erpat. Ako lang makakasagot niyan. Hindi nga puwede. Hindi pa puwede. Let’s wait," says Daniel Padilla when asked about Philippine Entertainment Portal’s report that he’s officially in a relationship with Kathryn Bernardo.


“Hindi pa puwede. Let’s wait.”

Ito ang pahayag ni Daniel Padilla nang direktang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Kathryn Bernardo ngayon.

Kaugnay ito ng news report ng PEP na opisyal nang magkasintahan ang young couple, base sa pagkumpirma ng sources na malapit kina Daniel at Kathryn.

Read: Daniel Padilla and Kathryn Bernardo in a relationship, say sources

Nakapanayam ng PEP at ilang piling entertainment editors si Daniel sa pocket presscon para sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo, na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel ngayong araw, December 19.

Kasama sa naturang presscon ang lead star na si Robin Padilla at pati na rin sina Rommel Padilla at RJ Padilla.

SABI KO HUWAG MUNA.” Sa kabila ng pahayag ni Daniel, kapansin-pansing hindi niya direktang pinabulaanan ang nakalap na impormasyon ng PEP.

Sa katunayan, bahagyang napatigil si Daniel at saka napahalakhak bago tuluyang sagutin ang tanong kung totoong sila na ni Kathryn.

Kaugnay nito, binanggit ng isang entertainment editor kay Daniel na mismong ang ama niya na si Rommel Padilla ang nagkumpirma sa isang panayam na totoong magkarelasyon na ang Kapamilya young actor at si Kathryn.

Read: Rommel Padilla reacts to "confirmed" relationship of son Daniel and Kathryn Bernardo: "Parang meron nga talaga."

Patanong na pahayag ni Daniel ukol dito: “Kinonfirm na ba ni Papa?”

Lumingon si Daniel sa kanyang ama at tila pabirong tinuran ang mga katagang ito: “Sinabi mo na ba? Sabi ko huwag muna. Hindi pa puwede.”

Pagkatapos ay nilinaw ni Rommel na ang tanging sinabi niya ay “parang [meron ngang relasyon], sa tingin ko.”

Sabay hirit si Daniel na hindi naman pala direktang kinumpirma ng kanyang ama ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Kathryn.

“Parang lang. Hindi pa sigurado si Erpat.”

Iginiit din ni Daniel na siya lamang ang makakapagkumpirma kung ano man ang tunay na estado ng relasyon nila ni Kathryn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako lang makakasagot niyan.

“Hindi nga puwede. Hindi pa puwede.

“Let’s wait.

“Time is money,” paiwas na sagot niya.

Sa mga nakaraang pahayag ni Daniel sa PEP, bukas siya sa pagsasabing nirerespeto niya ang payo ng mga magulang ni Kathryn na huwag munang makipagrelasyon ang dalaga.

Sa ngayon ay 18 years old si Kathryn, habang si Daniel naman ay 19.

Read: Daniel Padilla on gaining approval of Kathryn Bernardo’s dad to court young actress: "Happy naman ako na nakita ni Tito yung effort ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN