Gladys Reyes excited to resume acting in teleseryes in 2015: “Miss na raw nila ang katarayan ko!”

Gladys Reyes looks forward to reclaiming her kontrabida throne as she gears up for a new GMA teleserye in 2015: “Oo nga at marami na ang nagre-request na umakting ulit ako. Puwes, huwag silang mag-alala at mapapanood na nila ulit ako sa isang teleserye. Abangan na lang nila sa magiging pasabog ko sa 2015!”


Wish ng Kapuso actress-TV host na si Gladys Reyes na magkaroon ng bagong season ang kanilang morning celebrity talk show sa GMA na Basta Every Day Happy.

Ayon kay Gladys nang makapanayam ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via private messaging on Facebook last December 17, wala pa raw sinasabi sa kanila ang management kung may fourth season ang show nila nina Donita Rose, Alessandra de Rossi, at Chef Boy Logro.

“Extended kami up to the end December and early part of January 2015. Yun pa lang ang alam namin.

“Siyempre, gusto naming lahat na mabigyan pa kami ng isa pang season para masaya lahat, ’di ba?

“Actually, intended for one season lang naman talaga yung Basta Every Day Happy. We are very thankful that we made it to three seasons.

“Mas magiging happy kami nila Donita, Alex, at Chef Boy kung may season four kami, ’di ba?

“Pero depende naman ’yan lahat sa management. Wala naman kaming magawa kung gusto na nilang magbabu yung show.

“But of course, malulungkot kami kasi sobra na kaming naging close sa show.

“Even with the whole production staff, we look forward sa aming tapings and live shows.

“Para na kaming isang malaking pamilya sa studio. Kaya kung hindi kami mabigyan ng isa pang season, mami-miss namin ang bawat isa.

“Magpaalam man kami, at least for three seasons ay napasaya namin ang umaga ng marami.

“Marami silang natutunan sa amin and, at the same time, marami kaming nakuhang kabuluhan na mga topics mula sa aming mga guests every day,” masayang pagbabalik-tanaw ni Gladys.

BACK TO ACTING. May nakahanda nang teleserye na gagawin si Gladys sa 2015. Sobrang nami-miss na raw ng kanyang mga fans ang kanyang pagkokontrabida.

Ang pinakahuling teleserye ni Gladys ay ang Kambal Sirena (2013).

“Oo nga at marami na ang nagrerequest na umakting ulit ako. Miss na raw nila ang katarayan ko!” tawa pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwes, huwag silang mag-alala at mapapanood na nila ulit ako sa isang teleserye.

“Abangan na lang nila sa magiging pasabog ko sa 2015!” tawa pa niya ulit.

GOING GLOBAL. Kung busy si Gladys sa GMA, abala rin ito sa Net25 kunsaan naroon ang kanyang talk show na Moments.

Sa 2015 ay may special episode sila na kinunan sa Korea. Nasa plano na rin daw ang gagawin nilang Europe special.

“Yun ang naging plano ng Net25 chairman namin. Nauna na naming gawin yung sa Korea and soon nga ay yung Moments In Europe.

“Magandang concept for the show, ’di ba? Yaman din lang at marami tayong mga kapatiran sa INC sa iba’t ibang countries sa Europe.

“Maganda na yung bisitahin natin sila at kumustahin. Sure kami na nami-miss sila ng mga pamilya at ibang kamag-anak nila dito sa Pilipinas.

“Kaya abangan nila ang mga episodes pa ng Moments dahil going global na kami!” pagmamalaki ni Gladys.

VACATION. Sa Singapore ang planong bakasyon ng buong pamilya ni Gladys sa New Year. Nakabili na nga raw siya ng tickets at wish niyang walang maging aberya para matuloy na sila.

“May problema lang kami sa passport ni Nanay. Inaayos na namin. Sana maayos agad para matuloy ang New Year namin sa Singapore.

“If ever na hindi agad maayos, puwede naman naming i-move sa March 2015 para eksaktong summer vacation ng mga bata,” saad niya.

MTRCB DUTIES. Busy rin si Gladys sa kanyang trabaho bilang board member ng MTRCB or Movie and Television Review and Classification Board.

Marami nga raw silang naging projects nitong 2014 tulad nang pagbigay nila ng seminars sa mga TV networks at ang kanilang paglibot sa iba’t ibang probinsya para ma-explain ang kanilang advisory sa TV at ang paghuli sa mga film pirates.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN